Kumalat sa ilang pageant sites kahapon, November 21, 2023, ang reaksiyon ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip nang ianunsiyo ang nanalong Miss Universe 2023.
Marubdob na nag-aabang sa front seat ng venue sa El Salvador si Anne kung sino ang bagong hihiranging Miss Universe.
Read: Miss Universe owner Anne Jakrajutatip calls out reports saying she filed for "bankruptcy."
Ang last two women standing ay si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios at si Miss Thailand Anntonia Porsild.
Sa bandang huli ng video, isinigaw ng host ang bansang "Nicaragua" bilang Miss Universe 2023.
Read: Miss Nicaragua crowned Miss Universe 2023; Michelle Dee reaches Top 10
Kitang-kita sa video ang pagtayo ni Anne, ang paglakad ng ilang hakbang mula sa upuan papuntang stage, ang pagtaas niya ng kamay, pagtakip sa mukha, at ang kanyang pagyuko.
Mukhang nagulat si Anne sa resulta.
Ilang pageant sites, kabilang ang Missosology at Pageant Avenue, ang nag-post ng video ng reaction ni Anne:
Caption ng Pageant Avenue, “Madame Anne, Gulat na Gulat sa resulta ng Miss Universe. Panoorin ang reaksiyon ng may-ari ng Miss Universe ng naligwak ang Thailand sa final results.”
May 2.3 million views na ang video ng Missosology, samantalang 2.4 million views naman sa Pageant Avenue.

Narito naman ang ilang reaksiyon ng netizens:


ANNE DISLIKES MICHELLE?
Kinaiinisan din ng maraming pageant fans ang tila paglagay sa alanganin ni Anne sa pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee nang nag-live ito at bigla niyang nilapitan si Michelle at interbyuhin ito.
Nagsasalita si Anne ng Thai, na may halong English, kaya hindi lubusang maintindihan ang kanyang sinasabi, ngunit kapansin-pansin ang paulit-ulit niyang pagbanggit ng "move on."
Read: Michelle Dee on Top 10 Miss Universe 2023 finish: “Sayang, hindi ako nakahawak ng mic.”
Nilinaw naman ng pamunuan ng Miss Universe Philippines ang kumakalat na video ni Anne tungkol sa umano'y pagtataboy nito kay Michelle.
Nitong Martes, November 21, 2023, nag-viral sa social media ang video clip ni Michelle kunsaan makikitang pinaalis siya sa stage matapos ang guesting nila ng kapwa Miss Universe 2023 candidates sa Mexican television show na Venga La Alegri sa Mexico.
Kasama nina Michelle at Anne sa entablado ang Miss Universe 2023 candidates mula Lebanon, Germany, Colombia, Thailand, at USA, at ang isang lalaki.
Isang babaeng staff ang lumapit kay Anne at sa lalaki at binulungan ang mga ito. Maya-maya pa ay lumapit ang babaeng staff kay Michelle at in-escort-an nito palabas ang Kapuso actress.
Ang tagpong ito ay nagpagalit sa fans ni Michelle.
Kanya-kanya ring interpretasyon ang mga ito na diumano'y inutusan ni Anne ang babaeng staff na paalisin si Michelle sa stage.
Dahil dito, kaliwa't kanang batikos ang ngayo'y ibinabato kay Anne dahil daw sa umano'y pambabastos nito Miss Universe 2023 Top 10 finisher na si Michelle.
Read: Miss Universe Philippines clarifies video of Michelle Dee's exit during TV guesting in Mexico
