Nabalot ng pangamba ang dapat sana ay masayang selebrasyon dahil sa kasal ng isang couple sa Sarangani nitong nakaraang Biyernes, November 17, 2023.
Ang mga ngiti ng mga dumalo ay napalitan ng mga sigaw ng takot dahil habang isinasagawa ang kasal ay biglang naganap ang 7.2 earthquake.
Isang uploader ang ipinost ang mismong video nang biglang naganap ang lindol sa kasagsagan ng beach wedding.
Kita sa video ni @AMauzing sa TikTok na habang naglalakad ang couple papalapit sa pari ay biglang naramdaman ang pagyanig ng lupa.
Nagsigawan ang mga tao. Nabalot ng takot ang paligid. May mga tumakbo, may mga napaupo sa lupa.
Read: Mga magnanakaw, pinuntirya ang mga Louis Vuitton bags sa isang luxury shop


(Top photo) A woman drops to the ground when the earthquake happened in the middle of the wedding. (Bottom photo) The bridesmaids huddle together
Patuloy ang pagrolyo ng video ng uploader na maririnig na hinahanap ang kanyang ina.
Nang makalapit sa ina ay pinapakalma niya ito.
Caption ng uploader, “When the momentous become overly remarkable! Wedding and 7.2 magnitude earthquake at the same time. Still, congratulations to the newly weds!”
Maraming netizens ang naantig sa uploader na hinanap ang ina para matiyak na nasa mabuting kalagayan ito.
Sinabi ng uploader na kasama niya ang mga magulang sa kasal dahil sponsors ang mga ito.
Read: Woman found guilty of poisoning, murdering friend with eye drops

Naramdaman ang malakas na lindol sa maraming lugar sa Mindanao, tulad ng Sarangani, Davao Occidental at mga lugar sa South Cotabato noong Biyernes.
WEDDING PUSHES THROUGH
Sumagot sa mga netizens ang uploader. Sinabi niyang matinding takot ang naramdaman nila lalo pa at beach wedding ang event. Matindi rin daw ang naging pag-alog ng lupa.
Sa mga nagtatanong naman kung natuloy ang wedding, sagot ng uploader: “yes po. Natapos ang wedding. We just paused the ceremony for about 30 mins to wait if umatras yung tubig sa beach.”


Matutukoy sa reply ng uploader na minabuti muna nilang hindi magkakaroon ng tsunami.
Sa sumunod niyang post, makikita ang couple na naituloy ang kasal.
Pero ang caption dito ng netizen ay ang nangyari ay isang unforgettable wedding.
