Kung karamihan sa Pinoy pageant fans ay nagustuhan ang performance ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023 preliminaries, hindi naman itinago ng controversial personality na si Valentine Rosales ang kanyang pagkadismaya.
Wala raw dating sa kanya ang performance ni Michelle sa international beauty pageant.
Wala rin daw itong “wow factor.”
Read: Michelle Dee exudes strong presence at Miss Universe 2023 preliminaries
Pero suportado pa rin naman daw niya ang pambato ng Pilipinas sa 72nd edition ng Miss Universe.
Ginanap ang Miss Universe 2023 preliminaries sa National Gymnasium ng San Salvador, El Salvador, nitong Huwebes ng umaga, November 16.
Read: 14 evening gown standouts at Miss Universe 2023 preliminaries
Facebook post ni Valentine pagkatapos ng Miss Universe 2023 preliminary competition (published as is), “Syempre kailangan natin mag bigay support sa Philippines this Miss Universe pero sa totoo lang.
“Walang ka dating dating si Michelle Dee. Ewan ko parang sa lahat ng naging representative ng muph bored na bored ako sa itchura niya napaka plain. Kahit anong i-ayos sakanya.
"Wala siyang WOW factor.”
Ayon pa kay Valentine, napakalayo ng performance ni Michelle kina Miss Universe 2025 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at maging kina Miss Universe 2019 Top 20 Gazini Ganados, Miss Universe 2020 Top 21 Rabiya Mateo, at Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez.
Angat naman para sa kanya ang ilang kalaban ni Michelle.
Aniya, “Napaka layo niya kay Pia, Cat, Gazini, Rabiya, Beatrice. Sobrang boring…. Ang maganda ngayong sa batch nila yung South Africa, Dominican Republic, Mexico and India.
“#MissUniverse2023 #MichelleMarquezDee”

Dagdag ni Valentine sa comments section ng kanyang post, “Support ako sakanya! Syempre gusto ko siya manalo. Pero real talk lang ang plain and boring niya.
"Opinion ko to, kanya kanya tayo ng opinion.”

Biro naman ng isang netizen, “mas may dating kapa sa kanya beshy ko”

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2023 sa National Gymnasium ng San Salvador, El Salvador, Linggo ng umga, November 19.
Read: 14 evening gown standouts at Miss Universe 2023 preliminaries
