PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mother and daughter emotional after passing board exam together

“Sabi ko nga baka kahit hindi ako pumasa, siya lang okay na.”
by Bernie V. Franco
Published Nov 15, 2023
Chat Seploc and Pat Seploc
Mom Chat Seploc and daughter Pat Seploc recount their hardships while reviewing for board exam, and relish the sweetness of passing it together.
PHOTO/S: Chat Seploc via GMA Integrated News

Like mother, like daughter.

Akmang-akma ang kasabihang ito kay Charito “Chat” Seploc at sa anak na si Patricia “Pat” Seploc.

Sabay na nag-take ng Pharmacists Licensure Exam ang mag-ina nitong November 2023 at parehong nakapasa.

More than their success story bilang board passers, testamento ito kung ano ang kayang isakripisyo ng ina para sa kanyang mga anak.

Ang inang si Chat ay graduate ng Management noong 2012. Nagtayo siya ng botika sa Valenzuela, at ito ang pinagtuunan niya ng pansin.

At dahil sa pharmacy siya nag-venture, nagdesisyon si Chat na kumuha ng kursong Pharmacy noong 2017.

“Knowledge is power. So I think mas maniniwala sa atin yung customers kapag may knoweldge ka,” paliwanag ni Chat sa interview ng GMA Integrated News.

Read: Nursing student na hinarang sa graduation noon, pumasa sa board exam: “No one can rob me of this title.”

Samantala, Pharmacy rin ang kursong kinuha ni Pat nung nagkolehiyo siya noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Gusto ko po dentistry kaso ayun nga po, takot po pala ako sa dugo. Parang nanlulumo ako…

“So since may botika naman po kami, why not try ko po yung Pharmacy course para makatulong din po.”

Magkaiba ang eskwelahan ng mag-ina.

Read: Cum laude-board passer gets apology from girl who ghosted him

BLOOD, SWEAT, TEARS

Para paghandaan ang November 2023 Pharmacists Licensure Exam, sabay nag-review ang dalawa noong July.

At maging sa panahong ito ay hindi nakalimutan ni Chat ang pagiging nanay.

Siya ang naging sandalan ni Pat kapag nahihirapan ang huli sa review.

Sabi ng anak, “Iniiyakan ko rin po si Mommy. Minsan di ko na po kayang mag-review.”

Sabi naman ng ina, “Sabi ko nga baka kahit hindi ako pumasa, siya lang, okay na.”

Nagpakatatag si Chat para sa anak kahit pareho silang nahihirapan.

mother daughter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pat Seploc (left) together with mom Chat Seploc become emotional while talking about passing the board exam.

Sa araw ng exam, marami raw ang nagtanong kung magkaano-ano sila dahil pareho ang kanilang apelyido at magkatabi pa.

Ang kuwento pa ni Chat, “Pinakamatanda ako sa room."

Sabi naman ni Pat, “After po ng exam tumitingin ako sa kanya. Sabi ko, 'Ang hirap, ano?’”

Sagot ng ina, hindi siya nahirapan.

True enough, pasado silang dalawa, at naging emosyunal nung nakita ang resulta.

Ani Pat, “Nung nakita ko po dalawang Seploc, nanginginig pa rin po ako. Sabi ko, ‘Mommy, pasado tayo,’ habang umiiyak.”

Read: Meet Dexter Valenton, first Aeta na pasado sa Criminology Licensure Exam

board exam results

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bumuhos ang luha ni Chat dahil hindi rin biro ang pinagdaanan nila bago nakapasa.

“Nag-iiyakan po kami noon hanggang ngayon, pag naaalala ko.

“Ang hirap kasi, lalo na sa akin dahil lalo na may business ako, may mga anak akong inaasikaso.

“Tapos may mother ako na may sakit. Meron akong anak na may autism, so parang lahat po talaga ng difficulties.”

Sa kabila nito, nais nina Chat at Pat na magsilbing inspirasyon para sa iba na may pinagdaraanan ding hirap.

Sabi ni Chat, “Kung may difficulties, di ba, meron tayong mga hardships, hindi iyan mag-la-last forever. Wag tayong mag-give up. Strive harder.”

Sabi naman ng anak niyang si Pat, “It’s okay to cry basta at the end of the day, laban lang po at gawing inspiration ang family.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mom Chat Seploc and daughter Pat Seploc recount their hardships while reviewing for board exam, and relish the sweetness of passing it together.
PHOTO/S: Chat Seploc via GMA Integrated News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results