PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-comedian Jograd dela Torre dies at 63

Rest in Peace, Jograd.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 15, 2023
Jograd dela Torre dies at 63
Veteran singer-comedian Jograd dela Torre passes away on November 15, 2023. He was 63.
PHOTO/S: Screengrab @Morly Alinio YouTube/Jograd dela Torre Facebook

Pumanaw na ang beteranong singer-comedian na si Jograd dela Torre, Geoffrey Quisel dela Torre sa totoong buhay, nitong Miyerkules ng umaga, November 15, 2023.

Siya ay 63.

Ang pagkamatay ni Jograd ay kinumpirma mismo ng nakatatandang kapatid niyang si Arlene McCullough nang mag-post ito sa Facebook ng larawan ng isang nakasinding kandila.

"Everyone, prayers and love for my brother who joined with Papa Eddie, Mama Betty, Boy Antoy and Manong Bebot," saad nito sa caption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arlene via Facebook messenger, kung saan dito niya inilahad ang mga huling sandali ng kanyang kapatid.

Ayon kay Arlene, noong Martes ng gabi, November 14, ay isinugod sa Ospital ng Maynila si Jograd ng partner nitong si Monica at ng kanilang anak na si Abba dahil sa biglaang pagtaas ng sugar ng dating komedyante.

"Dinala po si Jograd kahapon sa Ospital ng Maynila. Yun nga raw po, mataas ang sugar, naging 500.

"Hindi ko naman alam na mataas ang sugar niya kasi ang alam namin ang sakit niya, e, kidney o liver.

"So, every time doon parati naka-focus yung mga gamot niya. Hindi naman namin alam yung tungkol sa sugar niya."

Noong dinala raw si Jograd sa ospital ay malala na ang lagay nito dahil nahihirapan na itong huminga at dumudumi na rin ng may kasamang dugo.

Kuwento ni Arlene, "Kahapon nanghihina na nga raw, kaya dinala na nila sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nahirapan na siyang huminga at dumudumi na raw ng dugo.

"Akala lang nila kaya dumumi ng dugo kasi dahil sa liver niya o whatever, pero yun pala mas ano pala yung sugar."

Kasalukuyang nasa Califonia, USA si Arlene kaya naman ganoon na lamang daw ang kanyang pagkagulat nang ibalita sa kanyang sumakabilang buhay na ang kapatid.

Inilarawan ni Arlene si Jograd bilang matulungin sa kanilang pamilya at iba pang nangangailangan.

Aniya, "Kaya ngayong ako naman ang nakaluwag-luwag, buong puso namin siyang tinulungan, kasama na yung mga anak ko in our little way.

"Kasi noong struggling pa kami, si Jograd ang takbuhan namin.

"Matulungin si Jograd pag malapit sa kanya, nagbibigay siya agad ng tulong kapag kinakailangan."

Singer-comedian Jograd dela Torre dies at 63

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakilala si Jograd bilang co-host nina Nora Aunor at German "Kuya Germs" Moreno sa musical-variety show na Superstar noong late '80s.

Bumida rin si Jograd sa 1986 film na Okleng Tokleng, kung saan nakasama niya sina Aurora Sevilla, Panchito, Lou Veloso, at TV host-rapper na si Francis Magalona.

Read: Francis and Pia Magalona have no certificate of marriage in PH; what is its legal implication?

Naging bahagi rin siya ng mga pelikulang Working Girls (1984), Exploitation (1997), Kandungan (1995), Rambo Tango (1984), at Rocky Tan-Go (1986).

Si Jograd din ang nasa likod ng kantang "Kawatan."

Read: Dolphy, Babalu, Redford White "binuhay" nina Vhong, Jugs, at Teddy sa "Magpasikat" ng It's Showtime

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran singer-comedian Jograd dela Torre passes away on November 15, 2023. He was 63.
PHOTO/S: Screengrab @Morly Alinio YouTube/Jograd dela Torre Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results