Ano ang kaugnayan ni Police Major Allan de Castro sa beauty queen na si Catherine Camilon?
Ito ang tanong ng maraming netizens matapos pangalanan si De Castro bilang pangunahing suspek sa pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate.
Read: Who is Catherine Camilon?
Sa programang Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5, True FM ngayong Martes, November 14, 2023, ipinaliwanag ni Police Colonel Jacinto Malinao, Jr., regional chief ng CIDG 4A, kung ano ang posisyon ni De Castro sa police department ng Batangas.
Tanong ni Ted, "Ano ang kuwento ni Major Allan de Castro? Ano ang kanyang kinalaman sa pagkawalan ni Catherine Camilon?"
Sagot ni Malinao, "Si Major Allan de Castro ay formerly assigned sa Batangas PNP, siya po ang deputy ng drug enforcement unit ng naturang unit sa Batangas.
"At ang kinalaman po niya dito, base po sa nakalap na may salaysay, lalung-lalo na sa kapatid ng biktima na si Catherine, sila ay merong relasyon.
"Mag-boyfriend po itong dalawa at yan na-validate natin sa isang statement ng isang beauty contestant din na kaibigan ng biktima.
"At doon nga sa kanilang binigay sa ating mga combination ng exchange of messages sa Messenger, ito ang ating suspect na si Major Allan de Castro ay minsan ay nanakit kay Catherine.
"Ang pinakakritikal na nakita nating motibo dito ay yung sinabi sa statement na ito pong biktima, itong si Catherine ay nagsumbong sa asawa ni Major de Castro na ito ay may babae.
"Gayon po ang nakita nating motibo at involvement nitong si Allan de Castro."
Dagdag pa niya, "Base doon sa salaysay ng kapatid at saka kaibigan na beauty queen, si Major Allan de Castro ang katatagpuin ni Catherine noong gabing nawala siya, base po sa kanilang text messages exchange."
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
WHO IS MAJOR ALLAN DE CASTRO?
Si Major Allan de Castro, 40, ay graduate ng PNPA Class of 2008. May asawa siya at dalawang anak.
Dagdag pa ni Malinao tungkol sa estado ngayon ni De Castro, "He's under restricted custody ng PNP Calabarzon.
"Nandoon lang siya sa regional headquarters, hindi siya pinapayagang lumabas.
"Readily available siya for further investigation since he's in active duty."
Sa ngayon ay patuloy pa rin iniimbestigahan si De Castro ukol sa pagkawala ng beauty queen.
Ngunit puro "general denial" lamang daw ang mga sagot nito.
Saad ni Malinao, "Maliban sa pag-conduct namin ng interview sessions with him, ang nakuha po namin ay puro general denial at nasa duty siya ng time na yun.
"Ganoon din po ang kanyang explanation sa Batangas PNP.
"The first time this issue went in the open, pinag-explain siya ng kanyang provincial director.
"Ganoon din po, general denial, but kami naman ay hindi naniniwala ng ganoon at patuloy ang aming investigation as to his specific whereabouts during that time.
"Kasi tao nga yan at nakikita naman natin ay duty detail na he was on duty that time.
"So, patuloy ang aming investigation, lalung-lalo na, as of now, hindi pa natin nakita si Catherine."
Kahapon, November 13, nasampahan na ng reklamong kidnapping at serious illegal detention si De Castro at iba pang suspects sa Batangas Provincial Prosecutor's Office.
Saad ni Malinao, "Kahapon po naisampa namin ang kasong kidnapping and serious illegal detention.
"Ini-evaluate na po yan ngayon ang piskalya at base sa pag-uusap namin kahapon, initially ito ang puwede naming ma-file kaya agaran naming finile yan.
"In this case, magbabago ang complexion nito or magbabago, ma-amend namin ito as we go forward with the investigation kung meron kaming makakuha, lalung-lalong kung nasaan si Catherine ngayon, yung katawan niya o siya mismo."
Read: Kidnapping, illegal detention filed vs four suspects in Catherine Camilon disappearance
At-large pa si Jeffrey Ariola Magpantay at dalawang John Does sa kaso.
October 12, 2023 pa huling nakita ng kanyang mga kaanak si Catherine.
Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses
