PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene, Smokey, Sassa in Comedy Today

Smokey: "Kailangan din namang mag-adjust ng mga komedyante sa panahon.."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 16, 2023
Takeshi's Castle
'Takeshi's Castle' comes back with a new set of hosts – Sassa Gurl, Eugene Domingo and Smokey Manaloto (L-R).
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Hindi naitago nina Eugene Domingo, Smokey Manaloto, at Sassa Gurl ang kanilang saya at excitement sa pagsisimula ng Philippine reboot ng '80s popular Japanese game show na Takeshi's Castle.

Silang tatlo ang magsisilbing hosts ng programa na magsisimula na ngayong Huwebes, November 16, 2023, sa Prime Video.

Bagong experience na maituturing ito para kina Eugene at Sassa, at comeback naman para kay Smokey matapos niyang i-host ang Takeshi's Castle noong 1989 kasama si Anjo Yllana.

Sa bagong bersiyon ng Takeshi's Castle ngayon ay sinisiguro raw nina Eugene, Smokey, at Sassa na kakaaliwan ito ng mga manonood dahil sa dami ng pakulo nila at twist.

Takeshi's Castle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press sina Eugene, Smokey, at Sassa sa mediacon ng Takeshi's Castle noong November 8, 2023.

Dito ay nagkaroon ng tiyansa ang PEP.ph na tanungin ang tatlo patungkol sa comedy landscape ngayon.

Sa panahon ngayon na marami na ang "woke" sa social media, hindi ba sila nahihirapan sa pagpapatawa at pagbibitaw ng mga punchline?

Mabilis na sagot ni Eugene, "No, in the contrary, hindi."

Kabaliktaran naman ito ng sagot ni Sassa.

Saad ng content creator, "May mga audiences akong nage-gets yung humor ko, pero may mga ibang hindi rin. So, saktuhan lang talaga."

Read: Sassa Gurl reminds fellow content creators to be responsible amid Maggie Wilson "smear campaign" controversy

Ipinaliwanag naman ni Eugene kung bakit sa palagay niya ay hindi nagbago ang paraan ng kanyang pagpapatawa.

Aniya, "Puwede bang target market? But it is never hard if you are authentic. If you are authentic, it's never hard to make people laugh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro kahit sa pinaka nakakalungkot na sitwasyon, sabihin na natin kunwari sa lamay, basta na-trigger mo, nandoon na yung perfect timing, mapapatawa mo kahit anong edad, kahit sa anong panahon.

"Because natural sa atin, especially Filipinos, we really love to laugh and we really love having fun."

Read: Dolphy, Michael V, Vice, Ai-Ai, Eugene to be honored at 3rd Philippine Film Industry Month

Sinang-ayunan naman ito ni Smokey.

Kuwento niya, isa sa naituro sa kanya ng tatay-tatayan niyang si Dolphy na ang comedy ay timeless.

Sang-ayon din daw siya sa sinabi ni Eugene na likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kaya hindi mahirap na sila'y patawanin.

Lahad ni Smokey, "Para sa akin, hindi mahirap magpatawa, kasi kagaya nga ng napag-aralan ko noon kay Tatay [Dolphy] at kahit sa ibang komedyante na nakatrabaho ko, ang comedy is timeless.

"Yung punchline na ginagamit ni Tatay noon, dagdagan mo lang ng bagong konting twist, applicable pa rin yan ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And it's still the same effect. Tatawa at tatawa pa rin ang mga tao. Kagaya nga ng sabi ni Uge [Eugene], tayong mga Pinoy, hilig natin na maging masaya, hilig natin tuwa.

"We really love having fun. Siguro sa ibang bansa mahihirapan sila, pero tayong mga Pinoy, hindi mahirap patawanin kasi masayahin tayong mga Pinoy."

Read: Smokey Manaloto and other celebrities express concern for Dolphy

Naiiba lang daw ang usapan kung ang hangarin ng isang komedyante ay makapag-entertain nga ngunit magbibitaw naman ito ng mga salitang makakapanakit sa iba.

Sa paglipas ng panahon, nagbabago rin daw ang takbo ng komedya, kaya naman dapat mag-adjust din ang bawat komedyante sa pagbabato ng mga hirit o biro.

Sabi ni Smokey, "Sa totoo lang, kapag wala ka namang sinasaktan na tao at ang intensiyon mo sa pagpapatawa ay hindi pangungutya, hindi panlalait, I'm pretty sure makakagawa ka ng punchline na hindi makakasama.

"Pero at the same time, mapapatawa mo pa rin yung mga tao. Kagaya nga nung sabi ko, yung ibang comedy nina Tatay noon, kapag gagawin mo ngayon is very offensive na kasi namamalo, pinagtatawanan yung may mga kapansanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But if you give it a certain twist, kapag nilagyan mo ng ibang klaseng atake, applicable pa rin ngayon, and at the same time hindi ka nakaka-offend ng tao.

"Kailangan din namang mag-adjust ng mga komedyante sa panahon, go with the time."

Read: Joey de Leon, sinang-ayunan si Michael V na "mahirap na ngayong magpatawa"

Dagdag pa niya, "At the same time, sinasabi nga nila na let's stop yung estado ng comedy na parang nang-aalipusta o nananakit ka ng tao.

"Let's start having comedy na imbes na manira ka ng tao, dapat is mapasaya mo siya at ma-uplift mo yung feelings niya."

Read: Smokey Manaloto becomes first-time dad at 51: "Akala ko nga huli na. Hindi pa pala!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Takeshi's Castle' comes back with a new set of hosts – Sassa Gurl, Eugene Domingo and Smokey Manaloto (L-R).
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results