Ikinagulat ng aktres na si Carla Abellana ang malaking halagang nai-charge sa kanyang credit card.
Sa Threads noong November 10, 2023, isinapubliko ni Carla ang kanyang saloobin matapos matuklasang may nai-charge sa kanyang credit card na halagang $11,087.33.
Kung iku-convert ito sa Philippine peso sa palitan na PHP55.955 sa isang U.S. dollar ngayong araw, November 13, 2023, tumataginting na PHP620,279.64 ang katumbas nito.
Saad ni Carla sa kanyang post, “Lord, how will i pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard?”

Ayon naman sa direktor na si Joey Reyes, baka na-hack ang kanyang credit card.

Iba’t ibang opinion naman ang sinabi ng ilang netizens.



Sa kanyang dalawa pang kasunod na posts, tila nanlulumo na si Carla sa nangyari.
Saad niya sa isang post, “Heartbreaking”

Dinagdagan naman niya ito ng, “Losing hope…,” sa isa pang post.

Wala namang iba pang mensahe si Carla sa kanyang account.
Wala din siyang paliwanag paano na-charge ang kanyang credit card ng lagpas sa kalahating miyong piso.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad o kumpanya sa artikulong ito.
