Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Beauty Gonzalez tungkol sa controversial jewelry na sinuot niya sa GMA Ball noong July 22, 2023.
At that time, ang sabi ng cultural critic at independent curator na si Marian Pastor Roces, ang alahas ni Beauty ay galing sa patay o “death mask” na ginagamit bilang pantakip sa mata at bibig ng yumao bago ilibing noong sinaunang panahon.
At ang binigyang-pugay ng 32-year-old star ay mga grave robbers, hindi ang "Philippine ancestral gold."
Kung "legally excavated" man ang suot ni Beauty, dapat sana ay naka-house ang mga ito sa National Museum o Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa delayed reaction ni Beauty, walang siyang bahid ng anumang galit, at masasabing ipinagkibit-balikat lang niya ang isyu.
“Well, it’s better that I didn’t talk coz it’s a very unending conversation.
“I respect what she believes, I respect also what I believe, and I only wish world peace,” ang maiksing pagtutuldok ni Beauty sa usapin.
Nangyari ito sa mediacon ng GMA-7 series na Stolen Life kung saan isa si Beauty sa mga main cast members.
Sundot na tanong sa aktres, isusuot pa ba niya muli ang kuwintas at pares ng dangling earrings?
“Yes, definitely,” ang mabilis na sagot ni Beauty, “And you should watch for more!”
Read: Beauty Gonzalez on her centuries-old jewelry at the GMA Gala 2023: "It's priceless!"
BEAUTY GONZALEZ ON RETIRING FROM SHOWBIZ
Klinaro rin ni Beauty ang nasabi niya sa isang panayam na naiisip niyang huminto na sa pag-aartista.
Aniya, “Yeah ,na-erase na. There are times na pagod ka as an artist, ‘Ay laos na ako! Pagod na ako. Wala na akong maibibigay.’
“And then suddenly nung na-realize ko na, ‘What else am I gonna do?’
“This really makes me happy, I feel so blessed that everybody loves me here.
"And I’m blessed na my husband really made me realize na, ‘Tange! This is where you belong, you should continue doing this.’
“And I’m blessed na, ‘Tama ka naman.’ And ngayon balik na ako sa normal.”
BEAUTY GONZALEZ'S SUPPORTIVE HUSBAND
Samantala, isang mabilis na “hindi” ang sagot ni Beauty sa tanong kung naniniwala ba siya sa astral projection.
Tungkol kasi sa astral projection ang Stolen Life, kung saan magkakapalit ng kaluluwa sina Farrah, papel ni Beauty sa serye, at Lucy, na gagampanan naman ni Carla Abellana.
Read: Carla Abellana answers change of management, network transfer issues
Hindi siya nagtanong sa writers ng programa nila?
“Well, I asked them, but, you know, as an actor and as a storyteller you just believe in what you wanna portray and you don’t wanna inhibit yung gusto nilang iparating sa mga tao.”
May mga intimate scenes si Beauty at Gabby Concepcion bilang si Darius sa drama series.
Pinapanood ba ng mister niyang si Norman Crisologo ang mga maselan o mapangahas na eksena si Beauty sa isang proyekto?
Read: Beauty Gonzalez says 15-year age gap is not a problem to her and husband Norman Crisologo
“Oh, he watches everything,” pagbabahagi ng aktres. “Actually even the scripts that I’ve done, all the movies, binabasa ng asawa ko, and I’m very open to him.
“I’m very blessed that he’s not seloso, he’s a very supportive husband, maybe it comes with age, in what he does in life.
"He’s an art curator so he knows that I’m just doing my job, and he knows that I’m enjoying."
Ang Stolen Life ay idinerek ni Jerry Sineneng.
Nasa cast rin sina Lovely Rivero bilang Belen; Divine Aucina bilang Joyce; Anjo Damiles bilang Vince; Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.
Mapapanood ang Stolen Life Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
