Ang team nina Jhong Hiario, Kim Chiu, at Ion Perez o Team JKI ang itinanghal na grand champion sa "Magpasikat 2023," na bahagi ng 14th anniversary ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Sa loob ng isang linggo, mula November 6-10, 2023 ay nagpasiklab ang limang grupo na kinabibilangan ng lahat ng hosts.
Ngayong Sabado, November 11, ay inanunsiyo na ang resulta ng kumpetisyon.
Read: Magpasikat winners from 2010 to present
Ang Team JKI, na pinakahuling group na nag-perform kahapon, November 10, ang nakakuha ng pinakamataas na score mula sa mga hurado.
Tinalakay nila sa kanilang production number ang pagiging sagabal ng cell phone at iba pang gadgets sa relasyon ng magkakapamilya at magkakaibigan, pati na ang epekto ng online bullying.
Ang average score na nakuha nila ay 9.6.
Read: Vice Ganda in tears talking about constant bullying of his partner Ion Perez online
Grand Champion: Team JKI (Jhong, Kim, and Ion) - 9.6 points

Second place naman ang team nina Anne Curtis, Ryan Bang, at Ogie Alcasid.
Para sa kanilang tema na healing, nakakuha sila ng average score na 8.6 mula sa mga hurado.
Second Place: Team Anne-Ryan-Ogie - 8.6 points

Third place ang Team JTV nina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Vhong Navarro para sa kanilang AI-inspired tribute sa mga namayapang comedians.
Read: Dolphy, Babalu, Redford White "binuhay" nina Vhong, Jugs, at Teddy sa "Magpasikat" ng It's Showtime
Third Place: Team JTV (Jugs-Teddy-Vhong) - 8.2 points

Fourth placer ang team nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Ceanne Dominguez para sa kanilang futuristic number tungkol sa unfulfilled dreams.
Fourth Place: Team Vice, Jackie, and Cianne - 7.4 points

Fifth place ang Team KALM nina Karylle, Amy Perez, Lassy, at MC para sa kanilang production number na may temang healing.
Read: Original Sang’gres ng Encantadia nag-reunion sa It's Showtime
Fifth Place: Team KALM (Karylle, Amy, Lassy, and MC) - 6.2 points

Ang cash prizes na natanggap ng limang grupo ay mapupunta sa kanilang napiling charity organization: PHP300,000 para sa grand champion, PHP200,000 sa second place, PHP100,000 sa third place, at tigpi-PHP50,000 sa runners-up.
Ang mga umupong hurado sa "Magpasikat 2023" ay sina FDCP Chairperson Tirso Cruz III, film and TV director, Olivia Lamasan, Black Eyed Peas member Apl. de Ap, singer-actor na si Jett Pangan, at Kapuso actress na si Barbie Forteza.
