PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Billy Crawford Reunite on Showtime

Vice to Billy: "You are my best friend, and I love you very much."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 9, 2023
vice billy coleen magpasikat
Former It's Showtime hosts Billy Crawford and Coleen Grcia make a surprise appearance in Vice Ganda's "Magpasikat" production number today, November 9, 2023.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Ginulat ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang kanilang dating co-hosts at ang Madlang People nang muli silang bumisita sa Kapamilya noontime show na sa It’s Showtime.

Sina Billy at Coleen, kasama ang kanilang anak na si Amari, ay kabilang sa special guests sa “Magpasikat” production number ng grupo nina Vice Ganda, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez ngayong Huwebes, November 9, 2023.

Vice Ganda, Billy Crawford reconcile on 'It's Showtime'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging host si Billy ng It’s Showtime mula nang binuo ito noong 2009 hanggang sa umalis siya noong 2018.

Si Coleen naman ay naging bahagi rin ng Kapamilya noontime show, pero umalis siya noong 2016.

Ang muling pagsasama nina Vice at Billy ay hindi inaasahan ng kanilang mga tagahanga, at maging ng kanilang co-hosts, dahil sa espekulasyong mayroong silang hindi pagkakaunawaan matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram noong 2021.

Read: Billy Crawford, Vice Ganda unfollow each other on Instagram

Walang malinaw na dahilan kung bakit dahil walang nabanggit ang dalawa kung bakit sila nag-unfollow-han, maliban na lang noong mga panahong iyon ay hindi na sila magkasama sa trabaho.

Hanggang lumipat si Billy sa TV5 para i-host ang katapat na programa ng It’s Showtime na Lunch Out Loud (LOL).

Read: Billy Crawford bids tearful goodbye to Vice Ganda; TV5 confirms Billy's transfer

Paglilinaw ni Vice matapos ang kanilang performance sa It’s Showtime, maayos na ang relasyon nila ngayon ni Billy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagpayag din daw ni Billy na mapasama sa kanilang performance, kahit busy siya sa taping ng The Voice Generations sa GMA-7, ay sapat na para ipakita sa lahat na maayos na sila.

Read: Coleen Garcia says no ill will between Billy Crawford, Vice Ganda

Ani Vice, “Lingid ho sa kaalaman niyo, okay na okay na kami ni Billy.

“Pero hindi kasi kami yung tipong… basta okay kami.

“Nagte-text kami, hindi namin ito napag-uusapan, pero nung kahapon yung concept nila Anne [Curtis] na healing, bigla kong naisip na, ‘Hmmm, parang I think maganda kung hindi lang natin basta sinasabi yung salitang healing, yung dapat ipinaparamdam din natin para maramdaman nung ibang tao na hindi lang siya basta sinasabi, dapat ginagawa rin.

“Billy’s presence here today and the Madlang People knowing that we’re okay, baka mag-inspire to sa inyo na mag-heal din.

“Baka it’s about time. Baka kaya niyo na rin na makipag-reconcile lalo na doon sa mga taong mahalaga sa inyo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Billy Crawford open to return to 'It's Showtime'?

Isa rin daw si Billy sa mga taong mahalaga kay Vice kaya naman hindi niya maatim na hambuhay itong hindi kausapin.

Saad ni Vice, “Si Billy is one very important person sa buhay ko.

“At the end of the day, you are my best friend, and I love you very much.

“Kaya sabi ko, regalo natin ito sa Madlang People na makita tayong magkakasama ulit.”

Vice Ganda, Billy Crawford reconcile on 'It's Showtime'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HEEDING FATHER’S ADVICE

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Billy kay Vice sa paanyaya nitong muling bumalik sa dati nilang tahanan ni Coleen, ang It’s Showtime.

Pagbabahagi pa niya, malaking bahagi ang ama niyang si Jack Crawford sa pagkakaayos nila ni Vice.

Mensahe ni Billy, “Thank you, Vice. Happy anniversary, first of all, to us.

“Marami akong realization these past months. Kababalik ko lang galing States, kakakita ko lang sa daddy ko.

“Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang daddy ko sa mundong ito. Pero ang bilin niya sa akin ay mag-ayos tayo [Vice].

“Sa lahat ng hindi nakakakilala sa tatay ko, siya po ay isang Amerikano na hindi po marunong mag-Tagalog, pero alam niya na may hindi magandang pangyayari nang iilang taon.

“Noong sinabi ng daddy ko na part of that, it's beyond my control, it's beyond Vice's control din. I think lahat ng ito ay orchestrated by God.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BILLY: “I’M SORRY MADLANG PEOPLE”

Utang daw ni Billy ang lahat sa It’s Showtime, na naging daan para makilala ang maybahay niya ngayong si Coleen.

Read: Coleen Garcia pens appreciation post for Billy Crawford to mark anniversary as couple

Kaya lumipat man siya ng TV network ay hindi raw mabubura ang katotohanang may malaking parte sa puso niya ang It’s Showtime.

Saad niya, “Nahanap ko ang aking asawa at nabuo ang aking pamilya dahil sa programang ito.

“Para sa akin, it really doesn't matter kung saan ka. Mahal namin ang isa't isa.

"Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, but at the end of the day, in God's time, Siya na rin ang bahalang mag-ayos.”

Sa huli, humingi ng tawad si Billy sa kanyang dating mga co-host at Madlang People.

“Kaya on my end, I want to say I'm sorry. I'm sorry, Madlang People.

“I'm sorry, Kapamilya.

“Magpapakumbaba na po ako. Gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya.“

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nito nilinaw ang nagawang kasalanan kaya humihingi siya ng dispensa sa mga host at fans ng It's Showtime.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former It's Showtime hosts Billy Crawford and Coleen Grcia make a surprise appearance in Vice Ganda's "Magpasikat" production number today, November 9, 2023.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results