PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dianne Medina: Rayver Cruz, Julie Anne News

Dianne Medina: "I confidently I can say, yes, magkakatuluyan sila."
by Glenn Regondola
Published Nov 8, 2023
dianne medina juliever
Dianne Medina on Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: "Pag pumupunta yan sa house, ang bonding nila sa Cruz family... gumagawa sila ng covers, kumakanta sila. Recently, nag-trend yung cover nila nina Rodjun and Rayver. At saka, pansin niyo, na-bring out talaga ni Julie Anne yung mga hidden talent ni Rayver. Nagigitara na ngayon, nagpa-piano, kumakanta na rin talaga."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Stephen Capuchino

Malaki ang paniniwala ni Dianne Medina na may posibilidad na magkatuluyan ang brother-in-law niyang si Rayver Cruz at ang current girlfriend nitong si Julie Anne San Jose.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

Ito ay base sa kanyang obserbasyon sa patuloy na gumagandang relasyon ng dalawa, at sa maayos ding relasyon ng mga ito sa kani-kanilang pamilya.

Pahayag ng 37-year-old actress-enterprenuer, "I love Julie. Sobrang love ko si Julie Anne, at sobrang ang personality nila ni Rayver.

"I'm very happy for them, and super-happy rin ang Cruz family sa kanila...

"Wala [pang] plans, pero ako, sa sarili ko, kung titingnan ko, I confidently I can say, yes, magkakatuluyan sila.

"Pero hindi ko alam kung kailan since may separate works pa sila at careers, so hindi ako sure kung ano plans nila.

"But definitely, if you're gonna ask me, both sina Rodjun and the family, super yes. Love na love nila si Julie, as in."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Dianne, "Pag pumupunta yan sa house, ang bonding nila sa Cruz family... gumagawa sila ng covers, kumakanta sila.

"Recently, nag-trend yung cover nila nina Rodjun and Rayver.

"At saka, pansin niyo, na-bring out talaga ni Julie Anne yung mga hidden talent ni Rayver.

"Nagigitara na ngayon, nagpa-piano, kumakanta na rin talaga."

Read: Julie Anne San Jose is confident that Rayver Cruz will not cheat on her

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Dianne sa contract signing at media conference ng Nail Lounge by Asia's Lashes, na pinangunahan ng CEO at President nito na si Ms. Leah Urbani, sa Luxent Hotel, kahapon, November 7, 2023,

Si Dianne ay isa sa incorporators at celebrity ambassador ng nasabing negosyo.

DIANNE ON JULIE ANNE

Bakit boto si Dianne kay Julie Anne na makatuliyan ni Rayver?

"Kasi si Julie, ilang beses ko na ring naka-work. Magkapatid kami lagi si Maynila. Madaming beses ko na siyang naka-work maski sa outside events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hindi naman talaga mahirap na i-connect, at talaga namang mabait talaga siya.

"And by the way, ka-church ko na siya noong bata pa lang siya. Same church kami sa Our Lady of Annunciation Parish, sa Tandang Sora. Rector ako dun, nasa choir naman siya.

"Nagsi-serve na talaga si Julie sa church. Kumakanta kapag may events sa church. In full service din siya with the Lord."

Sa palagay niya, ano ang dahilan kaya hindi pa nasi-seal through marriage ang relasyon ng dalawa?

Saad ni Dianne, "Mga bata pa, e. Iba naman ang mga bata ngayaon, e, very career-oriented.

"Ako, kahit naman ako, ikinasal ako at the age of thirty-three. Si Julie, twenty-eight pa lang.

"Pinagpi-pray ko na sana laging maayos sila together, walang problema, smooth-sailing, walang stress.

"Ang sarap ng ganun, yung ganung relationship na walang stress.

"At saka, lalo akong kinikilig sa kanilang dalawa pag magkasama. Super sweet."

Minsan naman daw aynaririnig niya si Rodjun na kinakantiyawan nito ang kanyang kapatid na si Rayver.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Kinakantiyawan niya na, 'Oy, ikaw na ang next [na magpapakasal]!'

"Super-supportive [si Rodjun] sa kanya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya.

"As in best friends sila. As in super close.

"Pag matulog magkatabi, minsan naghu-holdings pa sila, kini-kiss niya ang kapatid niya. Malambing.

"At saka, naga-'I love you' pa yan."

Si Dianne naman ay mukhang busy siya sa iba't ibang ganap sa buhay niya ngayon.

Nakangiting sabi niya, "Ako po, I recently signed up with TikTok Shopee and Shopee Philippines to do live-selling.

"And I run other businesses like the Nail Lounge by Asia's as one of their incorporators, and I'm with them with Ate Leah since 2013, but in a different company.

"And then, I also run my own TV production which we produce differents vlogs, views. Okay, so far."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dianne Medina on Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: "Pag pumupunta yan sa house, ang bonding nila sa Cruz family... gumagawa sila ng covers, kumakanta sila. Recently, nag-trend yung cover nila nina Rodjun and Rayver. At saka, pansin niyo, na-bring out talaga ni Julie Anne yung mga hidden talent ni Rayver. Nagigitara na ngayon, nagpa-piano, kumakanta na rin talaga."
PHOTO/S: Glenn Regondola / Stephen Capuchino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results