Ngayong Martes, November 7, 2023, ang eksaktong isang buwan ng pagpanaw ng panganay na anak nina Janna Dominguez at Mickey Ablan na si Yzabel Ablan.
Ngayong araw rin ang first month ng kapanganakan ng kanilang bunsong anak na si Michael Zab Leon III.
Bandang 3:49 a.m. noong October 7, 2023, nang isilang ni Janna ang bunso at kauna-unahang lalake sa pamilya nila na si Leon.
Read: Janna Dominguez introduces youngest baby born on same day of Yzabel's passing
Makalipas lamang ang ilang oras, 12:20 p.m., ay pumanaw naman si Yzabel.
Read: Janna Dominguez and Mickey Ablan lose daughter, welcome son on the same day
Sa kanyang Facebook ngayong Martes, ibinahagi ni Mickey ang kanyang pag-alala sa kamatayan ni Yzabel at kapanganakan ni Zab.
“Bitter sweet day” pa nga niya kung ituring ang araw na ito.
Aniya, “Bitter Sweet Day [sad face emoji]
“1st Month Yzabel Ablan joined our Creator GOD also Michael Zab Leon's 1st Birth Month Day.
“GOD Moves in Mysterious ways
“Just Trust and Have Faith
“I Love you Yza and Leon Zab”

Sa kanya namang Facebook account, ibinahagi ni Janna ang pagbisita niya kasama ang bunsong anak na si Zab sa puntod ni Yzabel.
Saad niya, “Zab Leon visiting Ate Yzabel Ablan
"We Love you [white heart emoji]"
Kaninang umaga, sinabi ni Janna na nagkaroon sila ng kaunting adjustment sa final resting place ni Yzabel.
Ayon sa caption, "We made some Minor Adjustments for you Ate Yzabel Ablan
"Konti Adjustments pa for Finishings
"We Love you Chabelits"
Kahapon naman, November 6, 2023, sinabi ni Janna na malapit nang matapos ang mausoleum para kay Yzabel.
Aniya, “Atebabyko Yzabel Ablan i loveyou
"papagandahin natin room mo.
"Lapit na matapos."
October 26, 2023, sinimulan ang konstruksiyon ng mausoleum ng namayapang anak nina Mickey at Janna.
Read: Mickey Ablan starts construction of late daughter Yzabel's mausoleum
Sa pinakabagong post ni Mickey ngayong gabi, makikitang ipinagdiriwang nila ang malungkot at masayang okasyon.
Sabi niya sa caption, "Celebrating Life
"Michael Zab Leon Ablan III"

