Birthday wish ni Brillante Mendoza na kumita ang mga pelikulang kasali sa darating na Metro Manila Film Festival 2023.
Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries
Lahad ng award-winning film director, "Honestly, ako sa totoo lang, ang wish ko lang naman talaga, kumita ang mga films.
"Ang wish ko talaga, bumalik ang mga tao sa sinehan."
Bago nag-pandemya, maraming dahilan kung bakit hindi pinapanood ang mga pelikulang Pilipino.
Na kesyo kulang sa promo o hindi mainstream stars ang mga bida o pangit ang istorya o kalidad ng pelikula.
Pero isang rason kung bakit konti ang tao sa sinehan lalo na after the pandemic: Mahal ang ticket.
Read:
Brillante Mendoza on non-inclusion of Moro in MMFF 2023: "Big stars ang pino-pokus nila ngayon."
Direk Brillante Mendoza, tutol sa panukalang kontrolin ng MTRCB ang streaming platforms
Nagkuwento si Brillante ng karanasan niya nang nanood siya ng sine last month.
Panimula niya, "Natuwa ako nung PHP65 ang ticket price anniversary ng SM. Wala akong idea noon.
"Nagpunta ako sa SM for the first time in 35 years. E, di nagpunta ako sa sinehan ng SM, oo, nabaliw ako."
Nakita niyang napakahaba ng pila.
"Sabi ko, 'Ano'ng nangyayari dito?' Kasi hindi ako naniniwalang pelikula yun.
"Parang feeling ko may concert ang nga Koreano. Kaya bumibili sila ng mga ticket. So, vinideo ko. Parang walang katapusan ang dami ng tao, endless."
Pagpunta ni Direk Brillante sa loob ng sinehan kung saan palabas ang critically acclaimed Japanese film na Monster, tinanong niya ang guwardiya kung para saan ang mahabang pila.
“Sabi niya, 'Ano po, sinehan?' 'Anong sinehan?' Kasi andoon yung A Very Good Girl.
“Sagot ng guard, 'Lahat po ng sinehan iyan. Bibili ka lang ng ticket.'
“Sabi ko, 'Bakit?' [Sagot ng guard], 'Kasi po PHP65 lang ang bayad.'"
Read:
Five Breakups And A Romance, PHP60M na ang kinita sa takilya; umabot kaya sa PHP100M?
'A Very Good Girl' lumampas na sa PHP100M; 'Five Breakups And A Romance' kumita rin kaya?
Nag-decide siyang manoon mag-isa ng pelikula.
“Feeling ko, kasi alam mo, e, di nanood ako ng Monster....oo, pagpasok ko sa loob, ang ine-expect ko tatlo lang kami sa sinehan.
"But with all these people, for sure, may tao. True enough meron.
“Tapos ang pumasok, kasi nga Monster, hindi nila maintindihan ng mga bata. Akala nila horror. So ang mga kasama ko na nanonood sa sinehan, bubuwit.
“E, hindi ko alam na nay mga sitting arrangement sa SM. So pumunta ako sa itaas.
"Nakaupo pa akong ganoon. Nasa gitna ako. Maya-maya may guwardiya.
"Sinabihan ako, 'Puwede po makita ang tiket niyo po?'
"'O, eto.' 'Ay, hindi po kayo dito. Doon po kayo sa baba.'
“Huh? May ganoon pala dito," sabay kamot ng ulo ni Direk Brillante.
“So, bumaba ako. Nandoon ako sa baba. Tapos, e, ang dilim-dilim, hinanap ko pa ang seat ko.
"Tapos yung nga tao, yung mga bata, dahil first time silang nakapasok sa sinehan.... nagsisigawan, naglalaro. So, hindi sila nanonood. Naglalaro sila."
BRILLANTE MENDOZA ON FILM literacy
But, in fairness, puno raw ang buong balcony section ng sinehan.
Natatawang tsika pa ni direk, "Tapos nung nag-end na yung film, nagpalakpakan sila.
"Tapos ako naman, by that time, nakailang lipat na ako ng silya. Lumilipat ako kapag may maingay sa katabi ko. Lumalayo ako.
"Tapos, may narinig ako na ano, comment ng viewer, mag-asawa sila. Na hindi nila ine-expect na ang panonoorin nila na Monster is a good film.
"Sabi nung babae habang kinumunan niya yung ano, yung credit, sabi njya, 'Hon, grabe. Ang ganda. Ano bang pelikula ito? Ang ganda-ganda ng pelikulang ito? Grabe.'
"Ibig sabihin, wala silang idea, pero nagandahan sila. Tapos yung mga bagets naman ano, wala lang.
"Pero ang take ko lang doon, so, alam mo naman ang mga batang ito, they don 't take film seriously. Hindi naman sila film literate.
"Pero kung nandodoon ka, nag-stay sila, kasi nanghinayang sila sa PHP65. E, malamig doon. Naglolokohan sila habang nanonood. Pero yung visual, nakikita nila.
"Kaya in a way, naa-absorb sa utak nila yung visual.
"Kahit hindi na yung buong kwento, pero meron silang konsepto, 'Ay,monster. Wala naman plang monster dito. Ang monster pala sa tao,' parang ganoon.
"In a way na-e-educate sa film, and for PHP65. But, of course, PHP65 will never happen, di ba?"
BRILLANTE MENDOZA'S APPEAL FOR GOVERNMENT SUPPORT
At eto pala ang punto ng kuwento ni Direk Brillante, na kailangan ng government support to get more people to watch movies.
Aniya, "Hindi rin naman siya makatarungan. Walang magsu-survive na sineban. Pero sa akin, ang point ko lang, puwede naman mag-meet halfway.
"Pumasok ang gobyerno, di ba? Mag-intervene siya kasi, saka hindi naman kailangang gawin iyan every day. Puwede kunyari lang, once a month.
"Once a month mag-ticket tayo ng PHP150. Para kang nag-festival noon. Lahat ng pelikula, gusto mong mag-book ng araw na yun, di ba?
"Kahit once a month, although PHP150 ang ticket price mo, dudumugin ang movie mo.
"Kahit na sabihin natin na kalahati lang ang kita mo, pero napupuno mo ang sinehan.
"Natuturuan pa sila on how to appreciate a film, nakakatulong ka sa kabataan. Na hindi natin nagagawa talaga," tapos ni Direk.
Post Script
Noong November 5, 2023, pinarangalan si Direk Brillante ng Excellence in Cinema award ng FilAm Creative Film Festival (FACFF) 2023 sa Los Angeles, California.
Ang FACFF ay prinodyus ng FilAm Creative, isang non-profit organization sa U.S. na may “13-year legacy of supporting Filipino-American artists.”

