PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza: Geisler drank on 'Moro' set

Direk Brillante: "Nagalit ako. Pero hindi na siya umulit after that."
by Julie E. Bonifacio
Published Nov 6, 2023
Brillante Mendoza and Baron Geisler
Direk Brillante Mendoza (left) reveals how he once scolded Baron Geisler (right) for drinking while shooting their 'Moro' movie back in 2019. He admits, "Nagalit ako. Pero hindi na siya umulit after that. Pero wala naman siyang ano... okey naman kami ni Baron ever since."
PHOTO/S: Julie Bonifacio; Tin Baylon

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Brillante Mendoza noong nakaraang birthday celebration niya noong October 30, 2023 sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City, nagbigay din ng siya ng pahayag tungkol sa bali-balitang pagre-report ni Baron Geisler sa set ng teleseryeng Senior High nang nakainom.

Tinanong namin si Direk Brillante kung sa set ng pelikulang Moro ay never uminom ng alak si Baron.

Matatandaang nagsimula ang shooting ng Moro noon pang 2019 at pansamantala itong natigil dahil sa global Covid-19 pandemic.

Sagot niya, "Uminom... hahaha!"

Okey lang ba ito sa kanya?

“Hindi,” diretso niyang tugon.

"Nagalit ako. Pero hindi na siya umulit after that.

"Pero wala naman siyang ano... okey naman kami ni Baron ever since.

“Kasi ako lang ang puwedeng magalit sa kanya na parang, 'Oy, tumigil ka na. Kapag ako ang nainis sa iyo,' gina-ganoon ko siya. Kaya ko siyang ganunin.

"Kaya ang tawag niya sa akin tatay, e. Kasi yung parang kapag nagagalit ako sa kanya hindi as director or what, kundi bilang tatay, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan dito pa iyan natutulog. Pag nagshu-shooting kami, sasabihin niya sa akin, 'Direk, diyan na ako matutulog sa Megamall. 'O, sige, sige,' sabi ko sa kanya. 'Para sigurado ako kasama ako bukas,' sasabihin niya sa akin.

"Tapos, nung shinu-shoot namin yun, kasi naka-base siya sa Cebu, e. So, di ba may ongoing rehab siya noon? Pero pumayag sila sa amin. Pinalabas.

"Kaya kinuha naming siyang hotel. Tapos, there were times dito [Centerstage Productions office] na rin siya natutulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza (left) reveals how he once scolded Baron Geisler (right) for drinking while shooting their 'Moro' movie back in 2019. He admits, "Nagalit ako. Pero hindi na siya umulit after that. Pero wala naman siyang ano... okey naman kami ni Baron ever since."
PHOTO/S: Julie Bonifacio; Tin Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results