PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes on Showtime Suspension

Gladys back in full kontrabida mode for Black Rider
by Rose Garcia
Published Nov 4, 2023
Gladys Reyes
Former MTRCB board member Gladys Reyes shares her opinion on the current MTRCB's decision to suspend It's Showtime for 12 days because of the 'icing incident: "Ako, siyempre, I can only speak of nung panahon namin. Sa ngayon, hindi ko talaga ilalagay ang sarili ko sa kanila. Kasi baka may mga naiba na sa mga rulings at kung paano ang pagpataw ng suspension."

Si Gladys Reyes ay naging isa sa board member ng MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) noong panahong si Senator Grace Poe pa ang chairperson.

Naalala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na itanong kay Gladys ang nangyaring "icing incident" na naging dahilan kung bakit na-suspend ang It’s Showtime for 12 days.

Read:

MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days

'It’s Showtime' begins serving 12-day suspension amid doubts about MTRCB fairness

Bilang naging dating bahagi ng MTRCB at naging isa sa mga hurado ng "Mini Ms. U" segment ng show, ano ang naging damdamin niya tungkol dito?

“Siyempre, hindi naman ako basta-basta impulsive reaction,” saad niya.

“Unang-una, ayaw naman natin na… well, dahil noong time na yun, nandoon ako sa Showtime. Although, hindi namin segment noong nangyari.

"Siyempre, una mong reaction, nagulat ka. Bakit? Kasi hindi ko naman napanood noong araw na yun.

“Siyempre, na-curious ka. Pero siyempre, bilang hindi naman na tayo board member, ang alam ko, during our time, yung parang abjudication na tinatawag o korte sa loob ng MTRCB, whatever is the decision of the committee, hindi iyan puwedeng baliin kahit ng chairman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, iyan ang alam ko noon. Hindi ko alam kung may nabago ba roon, kung may nabago sa ruling.

"Siyempre, yung iba roon, mga kaibigan ko pa rin naman. Tinanong ko lang kung matutuloy and when they told me, sa birthday ni Kuya Bong [Revilla] na oo, matutuloy, siyempre, na-sad din ako for Showtime.

“Pero sabi nga, in every situation, there’s an opportunity. Ang nangyari, nakapag-bonding pa sila, ang Showtime family. Nakahinga sila. Nakapag-Hong Kong sila. Nakapag-break, di ba?

“So, isa rin yun sa kagandahan na nangyari. And ako rin naman, nakapagpahinga ako with my family. Nag-Zambales kami.”

Read:

A detailed look at ABS-CBN's stance on MTRCB's 12-day suspension of 'It's Showtime'

MTRCB stern on 'It's Showtime' suspension amid "no work, no pay" issue

Bagamat natapos na ng It’s Showtime ang 12-day suspension, looking back, masasabi ba niyang tama ang mga nangyari?

Sagot ni Gladys, “Well kasi, parang ang mga noontime shows, may kanya-kanya na silang… ano nga yun? Parang may mga nagawa in the past. Kaya kung titingnan mo, ang MTRCB naman, aaksiyon iyan kapag talagang may report sa office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ginawa kasi nila, umaksiyon sila dahil nga may nag-report. May nakarating na mga report sa kanila. Pinag-aralan nila yun.

"Ako, siyempre, I can only speak of nung panahon namin. Sa ngayon, hindi ko talaga ilalagay ang sarili ko sa kanila. Kasi baka may mga naiba na sa mga rulings at kung paano ang pagpataw ng suspension.

“Siguro kaya naman nila sinuspend, kung may makikita rin sila sa ibang programa, I think, ganun din ang gagawin nila.”

GLADYS BACK in full KONTRABIDA MODE FOR BLACK RIDER

Nagbabalik na sa pagiging kontrabida ang mahusay na aktres na si Gladys Reyes.

Masasabing nakilala siya bilang dekalibreng aktres dahil sa kanyang pagiging kontrabida, at dahil dito, marami sa kanyang mga fans ang siguradong matutuwa dahil siya ang isa sa pinaka-kontrabida ngayon sa Black Rider, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula na sa Lunes, November 6, pagkatapos ng 24 Oras.

Ayon kay Gladys, “Ang tagal na nung huli. Actually, hindi ako kontrabida sa ‘Madrasta’ kaya ang tagal na ng huli kong pagko-kontrabida. Ang huli pa yata na kontrabida ko, noong kami pa ni Ruru [Madrid], yung Toda One I Love.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sobrang kontrabida na naman daw siya ngayon sa Black Rider.

Natatawang sabi pa niya, “As in! Patay na patay rito ang asawa ko, si Zoren Legaspi, pero iba ang ginaganti ko sa kanya.

“Hindi naman ako mag-a-action dito, pero yung mga eksena namin, yung mga lines namin, talagang matatalas.”

Sa mga K-drama raw ang pine-peg niya ngayon sa karakter na ginagampanan.

“Mahirap akong manood ng K-drama, di ba?” natawang sabi niya. “So alam mo na, yung mga Penthouse. Pero siyempre, bibigyan natin ng sariling touch natin.”

GLADYS PROUD OF 'KAPATID' RURU

Ang bida ng Black Rider ay si Ruru Madrid, at sina Ruru at Gladys ay merong pagkakapareho.

Sila ay parehong mga ‘Kapatid’ o tapat na miyembro ng Iglesia Ni Cristo. At masaya nga raw siya sa nakikita niya kay Ruru ngayon.

“Proud na proud,” mabilis niyang sagot.

“Sabi ko nga, proud na proud ako kay Ruru, kasi ito yung masarap na suportahan at tulungan na bata. Kasi hindi lang siya magaling, hindi lang siya dahil ang suwerte niya, bini-build-up siya ngayon ng GMA, kung hindi matutuwa ka para sa kanya, kasi mabait na bata at saka marespeto at mananampalataya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya all out support din ako kay Ruru.”

GLADYS REYES READY TO COMPETE WITH COCO MARTIN?

Ang katapat ng Black Rider ay ang Batang Quiapo ni Coco Martin. Hindi man naging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano si Gladys, nagkasama naman sila ni Coco sa pelikulang Apag.

Kumusta naman?

“Sa totoo lang, kumbaga magpakatotoo tayo, hindi madaling tapatan ang Batang Quiapo, kung papaano sa Ang Probinsyano. At alam naman natin na napaka-hands-on ni Coco, di ba? Bilang isang artista, director, producer.

“Kaya naman makikita rin naman dito sa Black Rider na grabe rin yung hard work nila. Pero siyempre, ang gusto natin dito, healthy competition. Bigyan din nila kami ng pagkakataon, ang Black Rider at kung ano rin naman ang pwede naming i-offer sa mga manonood.”

Biniro namin si Gladys na dahil nandito siya sa Black Rider, puwedeng kabahan na si Coco?

Natatawang sagot naman ni Gladys, “Wow! Ayoko namang sabihin kay Coco yun. Lakas naman ng loob ko. Baka ma-bash ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At natatawang biro rin niya, “Siguro Coco, dahil hindi mo ko ginuest diyan, dito na lang ako sa kabila. Ano na lang, may the best man win!”

Sabay sabi na, “Siyempre, mahal ko si Coco. Baka mabasa ito, alam mo naman ang mga netizens, naniniwala,” natatawa pa rin niyang sagot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former MTRCB board member Gladys Reyes shares her opinion on the current MTRCB's decision to suspend It's Showtime for 12 days because of the 'icing incident: "Ako, siyempre, I can only speak of nung panahon namin. Sa ngayon, hindi ko talaga ilalagay ang sarili ko sa kanila. Kasi baka may mga naiba na sa mga rulings at kung paano ang pagpataw ng suspension."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results