PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bulakenyos Resist Urban Conversion in San Jose

Majority voted "No"
by Bernie V. Franco
Published Nov 1, 2023
San Jose del Monte Bulacan map
In the recently concluded Barangay and Sangguniang Kabataan elections, Bulakenyos also voted if they are in favor of converting San Jose del Monte, Bulacan into a highly urbanized city.
PHOTO/S: Google Map / Facebook

Trending ngayong araw sa X (dating Twitter) ang “San Jose del Monte” at “Bulacan.”

Ito ay kaugnay ng pagtanggi ng mas nakararaming Bulakenyos na huwag i-convert ang siyudad ng San Jose del Monte na maging highly urbanized city (HUB).

Sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections, kasama rin sa pagboto ng mga residente sa Bulacan ang pinag-usapang plebisito, kung mananatiling probinsiya o hindi ang parteng ito ng Bulacan.

Batay sa certificate of canvass ng mga botong inilabas ng Commission on Elections (Comelec), nangibabaw ang “No” na may 820,385 votes kumpara sa “Yes” na nakakuha ng 620,707 votes.

Read: Flight got delayed, then got cancelled? Here’s what you need to know

trending

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 75-year-old mom wins eviction case against two sons in their 40s still living in her house

PROCLAMATION 1057

Ginanap ang BSK elections noong Lunes, October 30, 2023.

Kasama sa balota ng mga Bulakenyong botante ang pagboto para maratipika ang Proclamation 1057 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nag-aapruba sa pag-convert ng San Jose del Monte bilang HUC.

Bago pa man maganap ang eleksyon, hati na ang sentimyento ng mga Bulakenyo sa isyung ito.

Nanininiwala ang mga pabor sa pagraratipika ng plebisito na mas mabibigyan nito ng mas maraming oportunidad ang mga residente dahil magkakaroon ng “direct overseeing authority” ang local officials, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ayon naman sa kontrang gawing highly urbanized city ang San Jose del Monte, magdudulot ng mas mataas na buwis at pagkawala ng mga benepisyo, tulad ng scholarship grants, mula sa provincial government.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the recently concluded Barangay and Sangguniang Kabataan elections, Bulakenyos also voted if they are in favor of converting San Jose del Monte, Bulacan into a highly urbanized city.
PHOTO/S: Google Map / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results