PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Badjao Girl Rita Gaviola Responds to Critics

Rita to bashers: "Kahit lait-laitin niyo ako sa pagiging Badjao ko, proud ako."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 31, 2023
Rita Gaviola hits back at bashers
Rita Gaviola, popularly known as Badjao Girl on "bumalik ka sa pamamalimos" comment of bashers: "Nilalait niyo ako na bumalik ako sa pamamalimos? Kahit bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako na naghirap ako."
PHOTO/S: Rita Gaviola Instagram/TOPHER QUINTO BURGOS

Hindi napigilang maging emosyunal ni Rita Gaviola, a.k.a Badjao Girl nang sagutin ang bashers na walang habas siyang sinabihan na bumalik na lang sa pamamalimos.

Isang netizen ang nakapag-record ng live selling ni Rita sa TikTok kung saan dito niya diretsahang binuweltahan ang mga nanlalait sa kanya sa comment section.

Base sa video, nag-live si Rita sa TikTok para magbenta ng beauty products nang atakihin siya ng bashers at sabihan siya ng mga ito na bumalik na lang sa pamamalimos sa kalsada sa halip na magbenta online.

"Nilalait niyo ako na bumalik ako sa pamamalimos?

"Kahit bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako na naghirap ako. Dumaan ako sa ganoong proseso," mangiyak-ngiyak na saad ni Rita.

Ayon pa sa dating Pinoy Big Brother housemate, wala siyang ikinakahiya sa kanyang pinanggalingan lalo pa't ito raw ang naging daan para makamit niya kung sino at ano siya ngayon.

Masakit lang daw na minamaliit siya bilang tao dahil lamang siya ay Badjao at dating namamalimos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Sasabihin niyo sa akin na bumalik ako sa pamamalimos ko? Bakit alam niyo ba yung pinagdaanan ko?

"Alam niyo ba yung pinagdadaanan ko?

"Sinasabi ko sa inyo, kahit lait-laitin niyo ako sa pagiging Badjao ko, proud ako.

"Huwag kayong masyadong judgmental na sinasabi niyong bumalik ako sa pamamalimos kasi Badjao naman talaga ako.

"Hindi ako nahihiya na naging Badjao ako, mas lalo pa nga akong proud."

Read: Badjao Girl Rita Gaviola gets emotional over bashers

Diin pa niya, hindi alam ng karamihan kung anong hirap ang pinadaanan niya noon kaya hindi siya makapapayag na maliitin at kutyahin siya ngayon.

Sabi ni Rita, "Kaya walang umaangat na mga Pilipino dito, e. Palibhasa hindi niyo alam yung pakiramdam na namamalimos sa kalsada.

"Ngayon sasabihin niyo na bumalik na lang ako sa pamamalimos kasi bagay ako do'n? Talaga ba?

"Bakit hindi niyo alam yung experience ko sa pamamalimos para lang makaahon kami sa hirap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rita Gaviola, 19, reveals cyst in her breast: "Bumalik siya."

Ipinost din ni Rita sa kanyang Facebook page, ngayong Martes, October 31, ang hinanakit sa panlalait sa kanya.

Aniya, wala na sana siyang balak na buweltahan pa ang mga ito ngunit hindi na raw niya natiis dahil below the belt na ang mga tirada sa kanya.

Mababasa sa kanyang post (published as is), "I appreciate sa lahat ng concern about my live selling.

"Ayoko na sana magsalita kaso below the belt and I’m proud to say na yes I’m ’Badjao native’ so what’s wrong dahil tagalog kayo myy god crab mentality dahil lang sa native ako sasabihan ako ng bumalik sa panlilimos and so what if bumalik ako sa part na yon ang mahirap is kayo ang makaranas ng hindi niyo naranasan baka hindi niyo Kayanin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa comments section ng kanyang post, ay maraming netizens ang nagkomento para payuhan siyang huwag na nitong pansinin ang mga nanlalait sa kaniya.

Sabi ng isang netizen (published as is), "Hi maam rita kumusta po at yung family nyo.. Wag nyo na po sila pansinin maam hayaan nyo na po sila wala naman po silang ambag sa sa buhay nyo...love love love.."

Saad pa ng isa, "Ignore mo na lang ang mga taong panay inggit ang nasa loob nang katauhan dahil ang mga ganyang tao ay mga taong wala pang nararating kaya paninira ang alam."

Dagdag pa ng isa, "Stay positive, hayaan mo na lang ang mga basher mo. Di natutulog ang Diyos ang inaapi nakikita ng Diyos at may mabuting puso laging pinagpapala. Wag Mo nalang pansinin mga nanlalait sa yo bagkus gawin mong inspiration para mas maging successful ka pa sa buhay kasama ang iyong anak at mapahmahal mong asawa. God bless you always Rita and your whole family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Rita nang mag-viral noon ang kanyang larawang namamalimos sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon noong 2016.

Read: LOOK: Badjao Girl stuns in first photo shoot

Sa parehong taon, napabilang din siya bilang isa sa housemates ng Pinoy Big Brother 7 Teen Edition.

Read: Badjao Girl cries when PBB Season 7 housemates play with her underwear

Kalaunan ay pinasok niya ang showbiz at ang pagiging social media influencer.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola on “Showtime Sexy Babe” stint: “Hindi ko in-expect na nakapasok pa rin ako.”

Samantala, ngayon ay engaged na rin si Rita sa kanyang non-showbiz boyfriend na siya ring ama ng kanyang anak.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola replies to bashers after revealing she's now a mother

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Gaviola, popularly known as Badjao Girl on "bumalik ka sa pamamalimos" comment of bashers: "Nilalait niyo ako na bumalik ako sa pamamalimos? Kahit bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako na naghirap ako."
PHOTO/S: Rita Gaviola Instagram/TOPHER QUINTO BURGOS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results