Masayang ibinalita ni Kris Aquino na muli silang nagkita ng kanyang matalik na kaibigan at dating manager na si Boy Abunda.
Sa Instagram ngayong araw ng Biyernes, October 27, 2023 (Philippine time), ibinahagi ni Kris ang ilang kuhang larawan nang dalawin siya ni Boy sa kanyang inuupahang bahay sa California, USA.
Ayon kay Kris, isang "heartwarming reunion" ang naganap sa pagdalaw ni Boy sa kanyang tahanan.
Nataon din daw na kailangang turukan ng gamot si Kris noong dumating si Boy.
Kuwento ni Kris, "ABANGAN! Seriously it was a heartwarming reunion. Boy freaked because I needed a shot while he was here. And he really hates needles.
"Nagkwento pa lang ako ng pinagdadaanan kong mga treatment at yung at least 18 pieces of vitamins, supplements, as well as medicine to help prevent my migraines and protect my liver because of my chemotherapy and of course my antihistamines… parang the whole 3 hours boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga."
Ayon kay Kris, hindi pormal na panayam ang nangyari sa pagitan niya at ni Boy dahil telepono lamang ang gamit nila, at ang nobyo pa ni Kris na si Batangas Vice-Governor Mark Leviste ang siyang naging cameraman.
May ilang bahagi pa nga raw ng interview na naputol pero hindi niya makuhang pagalitan si Mark dahil hindi naman ito DOP o director of photography.
Ang anak daw ni Kris na si Bimby Aquino ang nagtatanong.
Samantala, humingi ng paumanhin si Kris sa GMA Integrated News veteran journalist na si Jessica Soho dahil hindi niya ito napagbigyan ng panayam. Ito ay sa kabila ng naroon din sa Amerika si Jessica.
Saad ni Kris, "And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions.
"Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, (the entire time he managed me for my endorsements as long as it was with my sons his commission was only from my 50%, buong buo for my 2 yung talent fee- lugi nga ako kasi yung 32-35% na tax sagot ko, bilin yun ng mom) binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage.
"Hindi namin pwedeng pagalitan dahil hindi naman sya DOP. Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa [PH flag emoji] at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama. (Christmas is also his birthday.)"
Binati rin ni Kris si Boy ng advance happy birthday dahil magdiriwang ito ng kaarawan sa darating na October 29.
Ilan sa mga programang pinagsamahan nina Kris at Boy noon ay ang Aquino and Abunda Tonight, SNN, The Buzz, at Startalk.
Mensahe pa ni Kris, "Happy Birthday (Oct 29) to the keeper of all my secrets, the one who assured me that come what may he’ll be there for my sons, and the friend who until now fights my battles with me. To my other brother, I love you completely. #lovelovelove"
View this post on Instagram
Noong October 18, si Kim Chiu naman ang dumalaw kay Kris, kasabay ng anunsiyo ni Kris na nagkabalikan na sila ni Mark.
Read: Kris Aquino reconciles with Mark Leviste; reunites with Kim Chiu
