Maagang natapos ang Miss Grand International 2023 journey ni Miss Grand Philippines Nikki de Moura nang hindi siya mapabilang sa Top 20 ng Miss Grand International 2023.
Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation ng Miss Grand International 2023 sa Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Miyerkules ng gabi, October 25.
Read: Miss Grand PH Nikki de Moura nadapa sa Miss Grand International 2023 prelims
Ang mga nakapasok sa Top 20 ay ang mga kandidata mula sa Myanmar, United States, Puerto Rico, Nigeria, Czech Republic, Indonesia, Honduras, Laos, Dominican Republic, Colombia, India, Ukraine, Thailand, Peru, Angola, Netherlands, Uzbekistan, France, Spain, at Vietnam.
Pasok naman sa Top 10 ang Angola, Colombia, Dominican Republic, Indonesia, Myanmar, Netherlands, Peru, Thailand, United States, at Vietnam.
Sa eleven years ng Miss Grand International, wala pang Pinay candidate na nag-uuwi ng korona. Ang pinakamataas na puwesto na nakuha ng Pilipinas ay nang maging 1st runners-up sina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.
Dahil dito ay pinararatangan ng Pinoy pageant fans na "cooking show" ang pageant na itinatag ng Thai na si Nawat Itsaragrisil.
