Ikinasal na ang dating Kapuso actor-model na si Bruno Gabriel sa Russian-Korean na si Yana Stolyarova.
Inanunsiyo ni Yana ang pag-iisang dibdib nila ni Bruno noong October 23, 2023.
Magkakaroon din daw sila ng wedding celebration sa darating na Nobyembre.
Sabi ni Yana, “Posting this for the record. More to reveal after our actual wedding celebration on November.
“But here we are, legally married [heart emoji] 23.10.23”
View this post on Instagram
Na-engage ang dalawa noong January 20, 2023 sa Bangkok, Thailand.
View this post on Instagram
Si Bruno ay anak ng dating aktres na si Lani Lobangco.
Read: Meet Lani Lobangco's son Bruno Gabriel, third wheel to Joyce-Kristoffer tandem
Unang ipinakilala sa showbiz si Bruno bilang third wheel sa tambalang Joyce Ching at Kristoffer Martin sa serye ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat taong 2016.
Ang huling proyekto ni Bruno sa telebisyon ay ang My Special Tatay (2019).
