PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista, Alden Richards in talks for joint project?

Heart: "Everybody loves Alden."
by Rose Garcia
Published Oct 25, 2023
Heart Evangelista and Alden Richards
Heart Evangelista on Alden Richards' movie with Julia Montes (not in photo): “I love it, kasi, yung mga artista ngayon, puwede silang magmura, puwede na silang humawak ng yosi. So, makatotohanan. Very liberating siya. Feeling ko, parang ang sarap ng feeling na nagagawa na."
PHOTO/S: Rose Garcia / @iamhearte Instagram

“Everybody loves Alden,” ang pahayag ni Heart Evangelista nang tanungin sa suportang ibinigay niya sa kapwa Kapuso star na si Alden Richards.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, isa si Heart sa nanood ng pelikulang Five Break-ups and a Romance na pinagbibidahan nina Alden at Julia Montes.

Si Gigi Santiago-Lara—GMA-7 VP for Alternative Productions, Entertainment TV—ang nag-sponsor ng block screening sa The Podium sa Mandaluyong City noong Martes ng gabi, October 21, 2023.

Read: 'Five Breakups And A Romance,' umabot na sa PHP25M-mark

Nakapanayam ni Nelson Canlas ng GMA-7 at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Heart at Alden pagkatapos ng screening.

Lubos ang pasasalamat ni Alden kay Heart sa pagdalo sa event.

“Lagi ‘yan. Actually, noong Hello, Love, Goodbye may block screening din with Heart no’n," sabi ni Alden, na katabi si Heart sa interbyu.

"Yung support ni Heart sa akin... Rest assured na yung support ko sa kanya, nando’n din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Hello, Love, Goodbye ay ang 2019 movie na pinagtambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Samantala, tinanong si Heart kung naiyak ito sa Five Break-ups and a Romance.

"Oo," nakangiting pag-amin ni Heart.

Sabay hirit niya, "Pero, yung sakto lang kasi, medyo manhid ako these days. Pero, may part do’n talaga…"

Dugtong pa ng aktres, “I love it, kasi, yung mga artista ngayon, puwede silang magmura, puwede na silang humawak ng yosi.

"So, makatotohanan. Very liberating siya. Feeling ko, parang ang sarap ng feeling na nagagawa na."

Aminado si Heart na mas naka-focus siya sa fashion shows and events abroad, kaya nami-miss din daw niya ang paggawa ng pelikula.

Aniya, "Super, actually, miss ko talaga. I plan to have at least, one,” pag-amin niya.

Read: Miles Ocampo at Elijah Canlas, magkahiwalay dumating sa 'Five Breakups And A Romance' premiere; break na?

POSSIBLE TEAMUP BETWEEN HEART AND ALDEN?

Nabanggit ni Alden na gusto niya makatrabaho sa isang proyekto si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Heart, "Yes, hopefully, yung schedule namin mag-match."

Bago ang block screening, nag-Instagram Live si Heart para sabihin sa kanyang followers na manonood siya ng Five Break-ups And A Romance.

Base sa comments, may mga nagre-request na sana ay magkasama sila sa isang proyekto.

Kaya tinanong namin sina Heart at Alden kung anong klaseng proyekto ang gusto nilang pagsamahan.

Sa mga salita ng mga ito, tila may posibilidad nga na magkatambal sila.

"Ako, meron na ‘kong storyline, sinabi ko na ang storyline," natawang sabi ni Heart, na hindi na idinetalye kung ano ang naisip niyang konsepto.

"Alam ko na rin," simpleng saad lang din ni Alden.

Sabay dagdag ng aktor, "And ang ganda! Maganda yung content. Pero, pag-uusapan pa namin formally. So far, maganda siya, maganda."

Read: Heart Evangelista clarifies statement about donating her kidney

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on Alden Richards' movie with Julia Montes (not in photo): “I love it, kasi, yung mga artista ngayon, puwede silang magmura, puwede na silang humawak ng yosi. So, makatotohanan. Very liberating siya. Feeling ko, parang ang sarap ng feeling na nagagawa na."
PHOTO/S: Rose Garcia / @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results