PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Clash winner prioritizes Nursing

Golden's mother is also taking up Nursing.
by Glenn Regondola
Published Oct 24, 2023
golden canedo
Golden Cañedo on taking up Nursing: "Actually, hindi ang pagiging nurse ang gusto ko noon. Flight attendant ang gusto ko. Pero ayun, na-inspire talaga ako sa mga taong tumutulong, lalo nung... kasi COVID, e, parang maganda rin mag-medical na lang kaya. At saka, na-inspire din ako sa mga nurse, kaya ayun po."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Aminado ang singer na si Golden Cañedo na hindi siya gaanong nakakapag-concentrate ngayon sa kanyang singing career dahil nakatutok siya sa kanyang pag-aaral.

Si Golden ay kasalukuyang third year Nursing student sa University of Visayas sa Cebu.

Read: Golden Cañedo bent on pursuing dream of becoming a nurse

Kuwento ng first grand champion ng The Clash, "Yung career, matagal na talaga akong di nakababalik.

"Nitong January [2023] lang ata, nag-taping ako sa The Clash, after noon, wala na.

"Okey naman ako, kahit hindi ako nakakapag-ano sa TV, updated naman sa Facebook, sa social media, doon ako nagpo-post.

"Ngayon naman, ang dami nang nagso-social media. Halos lahat nasa social media na. So, nagla-live sa Facebook, nag-i-streaming ako, sa Tiktok, kasi ang dami rin talagang naghahanap sa akin.

"Parang, 'Nasaan na ba si Golden? Ba't nawala bigla?' Ganoon ang mga question nila. Pero never naman akong nawala."

Patuloy pa niya, "At saka sa Cebu, ang dami namang kumukuha sa akin. Kunyari, judge sa contests. At minsan, sa abroad din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalo na last year, kasi wala pa kaming clinical [duties], like summer, pumunta ako sa Amerika para mag-show kasama si Martin Nievera, si Miss Ai-Ai [delas Alas], at saka si... na-meet ko na rin si Carol Banawa.

"Idol ko na talaga siya noong bata pa ako, at saka nurse din siya. Nakakatuwa talaga."

Read: Golden Cañedo, nakipagsabayan sa The Clash judges sa concert nila sa Los Angeles

Ekslusibong nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Golden sa pa-dinner ng CEO ng Professional To USA recruitment agency na si Mr. Ray Raval, pagkatapos ng career orientation seminar para sa Pinoy nurses at nursing students na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel noong Sabado, October 21.

ON NEW KAPUSO SINGERS

Natutuwa raw si Golden sa baguhang singers ngayon na patuloy natutupad ang mga pangarap dahil sa singing competition na pinanggalingan niya, ang The Clash.

Saad ng 21-year-old singer, "Ano, masaya talaga ako para sa kanila. Kahit si Ate Jessica [Villarubin], nakakasama ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Jeremiah [Tiangco], si Ate Mariane [Osabel], ayun, ang dami na nilang.... at saka meron na rin silang concert.

"Pero ako kasi, talagang di pa ako open sa mga ganung shows o events kasi focus talaga ako [sa pag-aaral].

"Third [year] na kasi ako, so heto ang pinaka-crucial na year sa Nursing, so dapat talagang extra-sipag ako sa pag-aaral."

Sobrang effort daw talaga ang ginagawa niya upang matapos ang kursong Nursing, makapag-board exam, at eventually ay mapagtrabaho rin sa Amerika, kung saan in demand ngayon ang nurses.

Aniya, "Actually, hindi ang pagiging nurse ang gusto ko noon. Flight attendant ang gusto ko.

"Pero ayun, na-inspire talaga ako sa mga taong tumutulong, lalo nung... kasi COVID, e, parang maganda rin mag-medical na lang kaya.

"At saka, na-inspire din ako sa mga nurse, kaya ayun po.

"So last year, noong second year ako, nag-start ang duty ko, So parang, duty-school, school-duty ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Masyadong hectic talaga ang schedule ng Nursing student, pero masaya naman siyempre.

"Kasi pag sa clinical, nakikita mo ang iba't ibang tao, nakaka-deal ka ng iba't ibang patients. Alam mo kung ano ang gagawin mo sa patients, kaya masaya."

GOLDEN'S MOTHER IS ALSO A NURSING STUDENT

Kaya pati pala ang ina ni Golden na si Maricel ay isa na ring first year Nursing student.

Pagmamalaking sabi ni Golden, "Ayun, na-inspire!

"First year siya ngayon kasi merong K-12. So, kumuha siya ng K-12. So, first year siya ngayon, instead of. third year na sana siya ngayon.

"Nagtututulungan kami mag-study. Kung sa may questions siya, tinutulungan ko. Yung books o, ibinibigay ko sa kanya. Tips.

"At saka mas maganda kasi, nabi-build up din yung bonding namin, iba.

"Ngayon, pumupunta kami sa coffee shops. Siya na yung study buddy ko.

"Pero mas masipag sa akin si Mommy."

GOLDEN'S BOYFRIEND

Sa kabila ng kaabalahan niya sa pag-aaral, very intact pa rin daw ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Martin Raval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Martin ay anak ng CEO ng The Professionals to USA na nakabase sa Amerika.

Lahad ni Golden, "Si Martin kasi, magdo-doktor din, kaya tama lang na nasa medical field din ako.

"Bale, three years na kami.

"Pero mahirap din yung mag-spend time kami together kasi, like, noong May lang kami huling nagkita, tapos next year uli

"Hindi naman naapektuhan, yung time [difference] lang, kasi nandito ako, nasa Amerika naman siya.

"Pero gumagawa naman kami ng paraan to keep our relationship."

Si Martin na ba ang kanyang "The One."

Bulalas ni Golden, "Of course! Three years, parang ang dami na naming pinagdaanan.

"Hindi lang kasi siya yung parang typical relationship, kasi ngayon para sa amin parang date-to-marry.

"So, nag-built up na kami ng future together.

"Yung kasal? Wala pa naman. Wala pa naman yung kasal-kasal na yan.

"Yung goal kasi, bago yang kasal-kasal, yung makapagtapos talaga ng pag-aaral.

"Like ako, makapagtapos ng pag-aaral, makakuha ako ng [nurse] license sa Amerika, dun na ang big day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung family niya, sobrang supportive, yun na talaga ang maganda. Yung family niya, yung family ko, nagkakasundo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Golden Cañedo on taking up Nursing: "Actually, hindi ang pagiging nurse ang gusto ko noon. Flight attendant ang gusto ko. Pero ayun, na-inspire talaga ako sa mga taong tumutulong, lalo nung... kasi COVID, e, parang maganda rin mag-medical na lang kaya. At saka, na-inspire din ako sa mga nurse, kaya ayun po."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results