Sa muling pag-ingay ng pangalan ni Francis Magalona, dahil sa paglitaw ng diumano’y nakarelasyon nitong babae noon na si Abegail Rait, lumabas sa Facebook ang lumang post ng dating publicist ng namayapang Master Rapper.
Read: Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak
Noong July 6, 2015 ay ibinahagi ng veteran showbiz writer na si Pilar Mateo ang lumang wedding photo nina Francis at Pia Magalona sa Hong Kong.
Sabi ni Pilar sa caption, “Wedding in HongKong of Francis Magalona and Pia Pia Maria Arroyo Magalona”
Kahapon, October 23, 2023, o makalipas ang mahigit walong taon, nagkomento si Pilar sa comments section ng kanyang lumang post.
Aniya, “THE HK WEDDING PO WAS IN JULY 14, 1995... MALI SI WIKIPEDIA
"OKAY NA PO BA?”

Ang paglabas muli ng wedding photo nina Francis at Pia ay may kinalaman sa alegasyon ng concert producer at dating aktor na si Robby Tarroza na hindi umano ikinasal si Pia kay Francis.
Read: Former actor Robby Tarroza claims Pia Magalona was never married to Francis M.
Bahagi ng post ni Robby sa kanyang Fcebook post noong Sabado, October 21, (published as is), "WALA KASI TAYONG DIVORCE SA PILIPINAS!!!! But even with kasal, ang tanong, WAS KIKO MARRIED TO PIA???!
"No, she was married to another guy with last name Lu and they had a son, Niccolo and daughter Unna, Who Many of us knew this!"
Bagamat hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pia kaugnay ng paglantad ni Abegail at ng anak nito, karamihan ng netizens ay nakikisimpatiya kay Pia at siya umanong biktima sa sitwasyong ito.
Read: Anak umano ni Francis Magalona kay Abegail Rait, pinaghahandaan na ang pagpasok sa showbiz
Pero iba ang paniniwala rito ni Robby.
Pasaring niya sa biyuda ni Francis, "Pia huwag ka magpabiktima! grabe ka! No one broke up your marriage dear! You were never married in the Philippines!"
Sa U.S. na nakabase ngayon si Robby.
Hanggang ngayon ay tahimik ang kampo ni Pia sa isyu.
