Marami ang natutuwa na natuldukan kung anuman ang di nila pagkakaunawaan noon ni Cesar Montano at ng dating asawa na si Sunshine Cruz.
"Sabi ko nga, only a great God can do that. But sabi ko nga, everything that happened in the past, hindi ka magiging ikaw today without that.
"Walang regret, but all gratefulness ang nararamdaman natin. Grateful, thankful to glorify God," pahayag ni Cesar sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Bukas sa publiko ang pagkakaroon ng blended family ng ex-couple.
Magkasundo si Sunshine at ang current partner ni Cesar na si Kath Angeles, at may mga pagkakataong nagkaka-bonding sila kasama ng kanilang mga anak.
Hiling ni Cesar, matagpuan na rin ni Sunshine ang tamang lalake para rito.
Aniya, "Well, I hope... Kami, magkaibigan kami. Wala akong hinahangad kundi makita siyang masaya palagi and have peace of mind.
"I'm willing to be part of the solution. Halimbawa, kung makakatulong ba ako dun, to give advice as a friend."
Samantala, masayang ibinalita rin ni Cesar na malaki ang tsansang magkatrabaho sila ni Sunshine sa shows abroad at sa isang pelikula.
"Hopefully, baka sa ibang bansa, baka abroad. Mayroon kasing invitation sa akin sa abroad, ako at saka si Sunshine sa show."
Pumayag na raw si Sunshine na magsama sila ni Cesar sa shows abroad.
"She likes it, saka we're going to do a movie.
"Actually, mayroon nang proposal. Excited ako, excited kami pareho. Hindi ko lang masabi yung title saka yung story.
"But you're gonna like it. It's a dramedy, first time na hindi action."
Read: Angelina Cruz, 22, buys her first car: "I'm officially broke"
CESAR MONTANO ON CO-PRODUCING FILMS
Nakapanayam ng PEP.ph si Cesar sa Rhythm For Resilience Rock For Charity event ng Rotary Club of Cubao West, na ginanap sa Quezon City Sports Complex noong October 14, 2023.
Dito ay naikuwento rin ng aktor na bukod sa TV5 series na Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, abala rin siya sa paggawa ng pelikula.
Co-producer daw si Cesar ng Blood Brothers, na base sa isang libro na isinulat ng kaibigan niyang si Ronald Cadama.
May isa pa raw silang planong i-co-produce ni Cadama.
"We're planning to do a movie, yes, with Diego. Action-drama na ako ang sumulat.
"Plano ko, first quarter of next year ilabas namin."
A MUSIC COLLAB WITH HIS DAUGHTERS?
Gusto rin daw mag-release ni Cesar ng mga kantang nagawa niya noong pandemic.
Posible kayang maka-collab niya ang mga anak nila ni Sunshine na sina Samantha, Franchesca, at Angeline?
Sagot ni Cesar, "Actually, silang tatlo magagaling na singers. Nanay nila magaling na singer, e.
"There's one I composed na puwedeng kantahin namin kasi kailangan ng babaeng singer sa song."
