Pumanaw na ang dating actress/TV host/model/content creator na si Jaymee Joaquin pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer, noong Miyerkules, October 18, 2023.
Si Jaymee, na ang tunay na pangalan ay Jaymee Geronimo Topacio, ay 44.
Read: Former Kapamilya game show host Jaymee Joaquin reveals battle with breast cancer
Inanunsiyo ang pagpanaw ng dating Star Magic artist sa Facebook page ni Jaymee mismo at ng kanyang best friend na si Fides VA.
Kalakip ng larawan ni Jaymee ang mensaheng ito: "Our dearest Jaymee Topacio aka Jaymee Joaquin, Jaymee Wins officially became an angel today. You've lived the most beautiful life, Jaymee. You will be greatly missed on this planet. [heart emoji]"
September 2016 nang ma-diagnose si Jaymee na may Stage 2 breast cancer.
Read: Jaymee Joaquin diagnosed with cancer for the third time
Simula noong 2017, ibinahagi ni Jaymee ang journey niya bilang cancer patient sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na may titulong "Jaymee Wins."
Paliwanag niya kung bakit tinawag na "Jaymee Wins" ang kanyang channel: "Ako, naniniwala ako sa puso't kaluluwa ka na dapat kini-claim na iyong victory, di ba?
"Kasi fighting, may struggle pa yan, e! Bakit nag-i-struggle ka pa, e, puwede naman manalo na, di ba? So dapat claim na, Jaymee wins!
"I know that I will win. In my heart, I have faith in the Lord."
Noong 2018 ay idineklara siyang cancer-free, pero pagkatapos nito ay bumalik ito.
Read: Jaymee Joaquin and her life after cancer
Si Jaymee ay nakilala bilang host ng ABS-CBN midnight game show na Games Uplate Live, na umere mula 2006 hanggang 2009.
Siya ang nagpasikat sa katagang "Kabagang."
Ilan pa sa mga nilabasan niyang TV shows sa Kapamilya network ay ang sitcom na Bora (2005) at ang drama series na Ligaw Na Bulaklak (2008).
Kabilang naman sa mga naging pelikula niya ay My Big Love at Tanging Ina Ninyong Lahat, na parehong ipinalabas noong 2008.
Limang beses din siyang naging cover girl ng men's magazine na FHM.
Binigla ni Jaymee ang publiko nang magdesisyon siyang iwan ang showbiz upang mag-travel sa iba't ibang bansa gaya ng Australia, Spain, USA, at iba pa.
Noong 2021 ay isinulat niya ang kanyang unang libro na may titulong That Sh*t Called Cancer: A Not-So-Subtle Guide To Winning Your Life Back, kung saan ibinahagi niya ang mga karanasan sa pakikipaglaban sa sakit na cancer.
