More local artists are joining the AAA!
Kumpirmado ang pagdalo ng Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Melai Cantiveros sa 2023 Asia Artist Awards (AAA), na sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin sa Pilipinas.
Ang partisipasyon sa awarding ceremony nina Kathryn, Daniel, at Melai, ay kinumpirma mismo ng Star News Korea, ang co-host ng AAA, nitong Miyerkules, October 18, 2023.
Read: Kathryn Bernardo honors healthcare workers in her Seoul International Drama Awards acceptance speech
Makakasama nila ang P-pop groups na SB19 at HORI7ON, na nauna nang inanunsiyong kasama sa lineup ng mga magpe-perform sa Asia Artist Awards.
Ang AAA ay ang Asian version ng Oscars at Grammy Awards kung saan kinikilala ang mga pinakamahuhusay sa larangan ng TV, film, at music.
Gaganapin ang awards night ng 2023 Asian Artist Awards sa Philippine Arena sa Bulacan sa December 14, 2023.
Bukod kina Kathryn, Daniel, Melai, SB19, at HORI7ON, kumpirmado rin ang pagdalo ng mga sikat na K-pop groups sa awards night gaya ng NewJeans, LE SSERAFIM, NMIXX, ZEROBASEONE, BoyNextDoor, Stray Kids, The Boyz, ITZY, STAYC, Kep1er, Dreamcatcher, Lapillus, KARD, Tempest, Seventeen BSS (BooSeokSoon), ONEUS, Kingdom, ATBO, LUN8, at ang Japanese boy group na &Team
Dadalo rin ang South Korean singers na sina Kim Se Jeong, Kim Jae Joong, at Kwon Eun Bi. Ang mga rapper na sina DinDin, Lee Young Ji, at Ash Island, maging ang Chinese singer na si Yao Chen.
Magpapakilig din ang K-drama stars na sina Kim Seon Ho, Ahn Hyo Seop, Moon Ga Young, Lee Dong Hwi, Lee Jun Hyuk, Cha Joo Young, Lee Eun Saem, Lee Jun Ho, Jung Sung Il, Kim Young Dae, Lee Jun Young, Moon Sang Min, Yoo Seon Ho, Ahn Dong Gu, at Jaechan, at Japaneses actor na si Kentaro Sakaguchi.
Sina Kang Daniel, Sung Han Bin ng ZEROBASEONE, at Jang Wonyoung ng IVE ang magsisilbing hosts ng 2023 Asia Artist Awards.
