Hindi maipaliwanag ni Sylvia Sanchez ang kanyang kaligayahan ngayong sa wakas ay isa na siyang ganap na mother-in-law.
Lalo na raw at kasundung-kasundo niya ang manugang na si Maine Mendoza.
Ikinasal ang kanyang anak na si Arjo Atayde kay Maine noong July 28, 2023 sa Baguio City.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Sa post ni Sylvia sa Instagram kahapon, October 16, ibinahagi niya ang ilang kuhang mga larawan at video ng anak na si Arjo at ni Maine sa dalawang biyahe nila abroad.
Saad ng aktres, “This is a first for me.
“It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter In Law mo [woman dancing emojis]
“What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm [heart emojis]
“Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa.”
May bilin naman siya kay Maine, na kahit noon pa mang magkasintahan pa lang sila ni Arjo ay "anak" na kung tawagin niya.
Aniya, “Maine nak, I Love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.
“Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments.
“At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo.”
Magkakaroon naman daw sila ng biyahe soon kung saan lahat na silang pamilya ay magkakasama.
Dagdag pa ni Sylvia, “Let’s fill up our hearts with countless happy memories.
“This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya. Soon. Yahoooo!!!!!!
“Loving You both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness.
Love you my kiddos.”
Tugon ni Maine sa post ni Sylvia, “Love you, ma! [heart emoji] thank you po for everything! [heart emoji]”
Sagot ni Sylvia, “Love you more nak.”

Read: Sylvia Sanchez, tuwang-tuwa sa pagiging "misis na misis kay Arjo" ni Maine Mendoza
