Ikinagulat ng Kapuso actor na si Alden Richards ang opinyon ng Kapamilya actress na si Julia Montes tungkol sa usaping panloloko o cheating.
Nitong Lunes, October 16, 2023, naging panauhin ang dalawa sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay bilang bahagi ng promo ng kanilang upcoming movie na Five Breakups And A Romance.
Read: Julia Montes admits not telling Coco Martin about intimate scenes with Alden Richards
Sa isang bahagi ng kanilang interview, hiningi ang opinyon nina Alden at Julia tungkol sa mga babanggiting sitwasyon ng hosts na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal tungkol sa pakikipagrelasyon.
Sa LED screen ng Kapamilya morning show magpa-flash ang mga katagang “Romance” (puwede pang maayos) at “Breakup” (tapusin na ang relasyon) at dito ay tatapatan nila ito.
Nang mabanggit ang cheating ay mabilis na tumapat si Alden sa LED screen na may nakasulat na breakup, habang si Julia naman ay gustong pumagitna sa breakup at romance.
Tanong ni Alden kay Julia, “Cheating yan, bakit ka gigitna?”
Sagot sa kanya ni Julia, “Mag-e-explain ako, wait.”
“Gigitna ka nga?” gulat na tanong ni Alden sa kanyang leading lady.
Read: Alden Richards on deep bond with Julia Montes: “Sasalo ako ng bala...”
Agad namang nagpaliwanang si Julia kung bakit sa tingin niya ay kailangan niyang manimbang.
Ayon sa aktres, walang perpektong relasyon. May mga kasalanan at pagkakamali raw na kailangang mapatawad at hindi na kailangan pang humantong sa hiwalayan.
Paliwanag ni Julia, “Wala namang perfect.
“In a relationship, mayroon isa, hindi ko naman nilalahat, baka dalawa kayong nagkamali for a time.
“Pero hindi naman necessarily na kapag nagkamali sa iyo ay hihiwalayan mo na agad.”
Read: Coco Martin accidentally confirms 12-year relationship with Julia Montes
Naniniwala raw si Julia na sa mga ganitong pagkakataon ay kailangang mag-usap ng magkarelasyon tungkol sa pagkukulang nila sa isa’t isa kung kaya’t nangyari ang panloloko.
Saad niya, “Minsan baka rin puwede kang magtanong, 'Nung time ba na yon, nung nangyari yon ay may pagkukulang ka ba kaya nangyari yon?'
"Pero kung wala, doon ka na magtanong sa sarili mo na, 'Ah, teka lang?' Doon naman mag-iiba ang kuwento.”
Read: Julia Montes continues to keep relationship with Coco Martin private
Matatawag lang daw na panloloko ang isang kasalanan kung paulit-ulit itong ginagawa.
Lahad ni Julia, “So, parang feeling ko, cheating kapag ilang beses na— too much.
“Pero kapag yung nagkamali, nadapa, well, ako ang mindset ko lang, kapag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na o ikaw pa rin na partner?”
Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline
Bagamat salungat ang opinyon ni Alden tungkol sa panloloko, sa kabilang banda ay sumang-ayon din ang aktor sa mga sinabi ni Julia.
Aniya, “Ako naman, may point of view naman diyan, when you get into a relationship, alam mo kung ano ang papasukin mo, alam mo ang commitment mo sa partner mo and both of you should know.
“Ngayon ko lang kasi narinig lumabas kay Juls yon.
“Pero tama, e, na yun nga, kapag nadapa ba yung partner mo hahayaan mo ba na iba pa ang magtayo?”
Read: Julia Montes on Alden Richards: "I'm so happy to have found a new friend in him."
Mas gugustuhin din daw ni Alden na gawin ang lahat ng kanyang makakaya na panindigan ang pagmamahal niya para wala siyang pagsisihan sa huli.
Sabi niya, “Ganun kasi kapag nasa isang relationship ka o any commitment in your life, mas maganda na ginawa mo na lang lahat ng kaya mong gawin.
“Ngayon, kung hindi mag-work ay no regrets on your part.”
Sa pagkakaalam ng publiko ay matagal nang may relasyon si Julia sa aktor na si Coco Martin, habang si Alden ay single sa kasalukuyan.
Read: Alden Richards, inaming nahulog kay Maine Mendoza at nagkagusto kay Pia Wurtzbach