PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Online show featuring toys and celebrities now on second season

The hosts share what kids can learn from their show.
by Rommel Gonzales
Published Oct 15, 2023
Tom Leaño, Cheska Maranan, Honey Love Johnson, Sebreenika Santos
Tom Leaño, Cheska Maranan, Honey Love Johnson, and Sebreenika Santos want kids to learn from their show how to play and value toys, and at the same time be entertained by their interviews with celebrities.
PHOTO/S: Kids Toy Kingdom Show

Season 2 na ng kiddie show na Kids Toy Kingdom Show kung saan host ang child stars na sina Tom Leaño, Cheska Maranan, Honey Love Johnson, at Sebreenika Santos.

Sa direksyon ni Perry Escaño, napapanood ito tuwing Sabado ng live 3pm to 4pm sa Kids Toy Kingdom FB Page, with replays on Glitter Channel FB Page and YouTube.

Naging bisita sa pilot episode nila noong September 30, 2023, sina Joaquin Domagoso at ang actor-singer-dancer John Gabriel.

Dream guests

Natanong ang batang hosts kung sino ang gusto nilang susunod na maging guest sa show nila.

Si Michael V. ang choice ni Tom.

“Dahil grabe po yung mga collections niya, ang dami, halos lahat yata meron na po siyang collection, e!

“Pero madalas din po akong nanonood sa kanya, madalas ko pong nakikita sa kanya mga cars, Transformer and Disney [toys], mga ganun po yung toys niya, kaya na-inspire po ako sa mga toys niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po siguro si Kathryn Bernardo po,” ang isinagot ni Cheska, “because idol ko po siya kasi natural po siyang mag-acting at maayos po siyang mag-deliver ng lines.

“At saka siguro po kung mag-guest po siya doon, siguro mae-enjoy din naman niya po kasi nung bata po siya, mahilig din po siya sa mga toys, lahat naman po ng bata e.”

“Kathyrn Bernardo is my answer,” pagsang-ayon naman ni Honey Love kay Cheska.

“My dream celebrity guest is Barbie Forteza because magaling po siyang maka-deliver ng lines,” sinabi naman ni Sebreenika.

“Magaling po siyang mag-acting, magaling po siyang lumuha, opo, idol ko po siya.”

Part of hosting they enjoy

Anong parte ng pagho-host ang nae-enjoy nila?

“Ako po nag-e-enjoy po ako sa pag-ho-host dahil gusto ko po itong ginagawa ko at nakakapag-entertain din po ako ng mga tao,” sinabi ni Tom.

“Lalo na po mga bata po yung iniimpluwensiyahan namin na maglaro ng toys, sabihin na po nating may advantage at disadvantage yung toys, kaya mag-ingat pa din po, yun lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Part po kasi ng pag-aartista ang mag-host and gusto ko pong i-share sa buong mundo ang talent na binigay po sa akin ng Panginoon and mapasaya po ang mga bata,” ang sagot naman ni Cheska.

“What makes me enjoy about hosting is I get to discuss about famous celebrities,” pakli ni Honey Love, “and the most coolest thing that… in my opinion, is I think about or I learn about some interesting facts about them, and vintage and modern toys, that’s all.”

“Happy po ako sa pagho-hosting kasi binigyan ako ng work at talent, at saka itong Kids Toy Kingdom Show na ito ay binigay sa akin ni Direk Perry, and happy din ako na nagkaroon ako ng first show, and mapapasaya din talaga yung mga kids dito, kasi mga toys nga ang inaano natin, e,” sagot naman ni Sebreenika.

Ano ang gusto nilang iparating o matutunan ng mga audience, lalo na ng mga bata, sa show nila?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa tingin ko marami silang matutunan dito sa toys, e, May matututunan sila katulad ng paggawa, pakikipaglaban, kasi di ba, yung mga toys pinaglalaban-laban natin sila kahit anong uri pa yan, at saka dapat mag-ingat din sila sa toys, kasi nakakasugat yun, lalo na yung Lego,” ang sagot ni Tom.

“Para ma-share ko po sa buong mundo ang talent ko po na binigay po ng Panginoon sa akin,” sinabi naman ni Cheska.

Para naman kay Honey Love, “The goal of our show is we really want the kids to be happy, and all that stuff, and I want them to be entertained, I want them to learn and be entertained with us, with joy and thankfulness.”

“Madami pong matututunan dito sa show namin, kagaya ng toys, iba’t ibang toys, matututo din mag-speech sa stage, kasi nag-i-speech di ba tayo sa stage? And matututo din mag-value ng toys, yun lang po,” saad naman ni Sebreenika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dream toys they wish to have

At dahil tungkol sa mga laruan ang show na Kids Toy Kingdom Show ay tinanong namin ang kiddie hosts kung ano ang laruan na gusto nilang matanggap sa darating na Christmas.

Anime statue na hindi niya maalala ang pangalan ang choice ni Tom.

“Ang gusto ko pong matanggap sa Christmas yung…nakalimutan ko yung name niya, e. Pero yung anime na statue, nakalimutan ko na yung name niya, e. Yun yung gusto kong matanggap, mga dalawa.”

“Legos po,” ang sagot ni Cheska. “Kasi pangarap ko po talagang magka-Legos nung bata po ako, and naregaluhan na din po ako ng father ko ng Legos. Parang bini-build niya po yung bahay or mga characters, parang mga girls or boys or mga aso, kasi meron po akong ganun, niregalo din po sa akin ng tita ko.”

“I like to receive one of those Barbie Doll houses when I was younger,” pakli ni Honey Love, “coz they had elevator and actual shower with noises, there was like a kitchen with an oven that has noises and stuff, buttons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’d always wanted to play with them with my Barbie, but my mom said it’s too expensive, well now I get it, I get it.”

Mga laruang gamit sa kusina ang nais ni Sebreenika.

“Ang gusto ko naman dati na makuha na toys is yung parang kitchen, yung pinipindot po siya at pag pinindot po siya tumutunog po siya, at pag binuksan ninyo po siya may nakaplastik na po na mga foods, mga plato, mga tubig, at mga ganyan-ganyan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Leaño, Cheska Maranan, Honey Love Johnson, and Sebreenika Santos want kids to learn from their show how to play and value toys, and at the same time be entertained by their interviews with celebrities.
PHOTO/S: Kids Toy Kingdom Show
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results