Umani ng mixed reaction—na karamihan ay pagpuna—mula sa netizens ang pagko-conduct ng free yoga sessions sa National Museum of the Philippines.
Ang month-long activity na ito ay bahagi ng Mental Health Awareness campaign.
Sabi ng National Museum, hangad nitong i-promote ang pagsasabay ng health and wellness at appreciation sa sining.
Pero batay sa reactions ng netizens, mas marami ang hindi pumapabor sa acitivty na ito ng National Museum.
Isang promotional video ang inilabas ng National Museum, kung saan may participants na nagyo-yoga sa harap ng makasaysayang Spoliarium ni Juan Luna.
Read: VIRAL: Artwork sa loob ng National Museum, ginawang phone stand para sa TikTok video

NETIZENS’ REACTIONS
Komento ng isang netizen, pambabastos daw ito sa obra ni Luna.
Katuwiran niya, ipinagbabawal ang pag-upo at pagkuha ng videos sa museo, pero bakit puwede ang yoga?
Comment ng netizen (published as is): "Ito pa daming bawal dyaan umupo pag tourist ka pabubura sayo [ang video] ng nagbabantay tas ngayon nagyoyoga?"
Pagsang-ayon ng isa pa, “Bawal mag video pero [puwede] mag yoga.”


Baka rin daw malito raw ang mga bata kung para saan ba ang museo.
“[G]et your priorities right,” hirit ng isa pang female netizen.
Sundot pa niya, “I hope other than yoga may mga art events at activities din kayo.”



Read: 104-year-old woman dies a week after record-breaking skydive
May ilan na nakitang positibo ang activity na ito ng National Museum.
Sabi ng isang netizen, kaya raw pala pagsabayin ang health and wellness at art appreciation.

Ang ibang kritiko, nangangamba na magkaroon ng physical effect sa mga obra roon dahil sa pagbabago ng temperature dahil nga may mga nagyoyoga.
Yung iba naman, nagsabing taliwas sa pagpo-promote ng zen ang Spoliarium painting ng "gore" o nagtatampok ng mga patay na katawan.
NATIONAL MUSEUM REACTS
Nagbigay na ng reaksiyon si National Museum of the Philippined Director General Jeremy Barnes kaugnay ng isyu.
“It was something new, experimental,” aniya sa panayam ng GMA News Online.
“We didn’t expect a strong reaction. We thought people would say, ‘Oh okay, nakakaiba.’ But you know, we take note.”
Ani Barnes, makikinig sila sa opinyon ng publiko.
“So, we are gonna listen to you and we are gonna evaluate kung successful ba itong idea o hindi, whether it’s really for us dito sa Pilipinas o hindi naman, kahit popular na ito sa ibang bansa.”
Nagpasalamat din siya sa mga nagbigay ng opinyon.
Samantala, may post ngayong umaga sa Facebook na makikitang nagkaroon uli ng bagong session ng yoga sa iba pang gallery ng National Museum.
