Hindi na kailanman malilimutan nina Janna Dominguez at Mickey Ablan ang petsang October 7, 2023.
Dalawang mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay, isang masaya at isang malungkot, ang magkasunod na naganap sa petsang iyon: ang pagsilang ng kanilang bunsong anak na si Michael Zab Leon III at ang pagpanaw ng kanilang panganay na anak na si Yzabel Ablan.
Read: Janna Dominguez introduces youngest baby born on same day of Yzabel's passing
Bandang 3:49 a.m. ng Sabado, October 7, nang isilang ni Janna ang bunso at kauna-unahang lalake sa pamilya nila na si Leon.
Makalipas lamang ang ilang oras, 12:20 p.m.., ay pumanaw naman si Yzabel dahil sa lung infection at heart failure. Siya ay dalawampung taong gulang lamang.
Read: Janna Dominguez, Mickey Ablan daughter passes away
Sa eksklusibong Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Mickey at Janna noong Martes ng gabi, October 10, inusisa namin kung ano ang naramdaman nila noong panahong iyon.
Saad ni Janna, "Actually, kanina dito, may service sa church for Yzabel. Dahil yun nga, ang inaano nila is, actually it's a celebration of both.
"Na iyak ako nang iyak kasi nga siyempre, bilang nanay, yun nga, nag-gain ka ng another child but you lost another one.
"So, hindi mo alam yung feeling na paano. Same day lahat.
"Tapos nung nag-ano sila dito sa church, sabi, 'You don't grieve for another, you don't celebrate for another, you celebrate for both.'"
Dagdag pa ng Pepito Manaloto actress, "Kasi, another one went home and another one is here.
"So yun, yun yung, again, ang sagot dun, 'God above all' na naman. Si Ate Yza na naman ang sumagot. It answers everything.
"Yung message niya na yun sa amin."
Ganun na ba ang gagawin nila sa susunod na taon kung saan ipagdiriwang nila ang first birthday ni Leon at first death anniversary ni Yzabel?
Sambit ni Janna, "Kasi, God above all."
Ayon naman kay Mickey, "Naisip ko rin yan. Ano maramdaman ko, kasi death anniversary ng panganay ko, tapos birthday ni Leon."
BIRTHDAY AND DEATH ANNIVERSARY
Sa tingin ba nila, hinanda sila ni Yzabel para sa selebrasyon ng dalawang magkasalungat na okasyon: kasiyahan at kalungkutan?
Pagninilay-nilay ni Janna: "It's a hard process. It's very easy to say at first.
"Pero siyempre, it's a process. Days, minutes, years.
"Hindi siya yung one click away because, again, you receive the message.
"It's a process of grieving. It's a process of celebrating. It's a process of everything.
"Naniniwala ako na andiyan lagi si Ate Yza to guide us as her parents, yun nga po, na matulungan niya kami always along the way.
"Alam ko na lagi nandiyan si Yza for us kasi sobrang love niya yung sisters niya, and yung brother niya, daddy niya, ako.
"Hindi niya rin kami pababayaan."
"GOD ABOVE ALL"
Noong October 7, habang nasa recovery room si Janna sa ospital matapos isilang ang bunsong anak, bigla na lamang daw lumitaw sa TV ang mga salitang “God above all.”
Ito raw kasi ang madalas na mga salitang binabanggit ni Yzabel noong nabubuhay pa ito, lalo na tuwing nararamdaman nitong may mabigat na dinadala ang kanyang mga magulang.
Read: Mickey Ablan and Janna Dominguez reveal biggest regrets about daughter Yzabel's death
May paramdam na ba sa kanila si Yzabel.
Sagot ni Mickey, “Sa akin, wala pa. Actually, pinagpi-pray ko yun lagi, sinasabi ko sa kanya dito, na sana kausapin niya ako kahit konti. Kahit seconds, wala pa.”
Ito rin ang hiling ni Mickey kay Yzabel na idinaan niya sa Facebook post noong October 9.
Saad ni Mickey sa kanyang post, "Goodmorning my Eldest Baby Girl Yzabel Ablan [sad face, heart emoji]
“I Love you [heart emojis]
“Hinde mo padin ako pinupuntahan sa Dreams ko [sad face emojis]”

Ano naman ang mensahe nila sa lahat ng nakikiramay sa kanila?
Sabi ni Mickey, "Yun, life is short. Yung mga mahal mo sa buhay, make sure mo lagi, yung value mo.
“Tapos, thank you sa lahat ng nakiramay, sa lahat ng good words, lahat ng good messages na nagpaabot sa amin.
"Thank you din kay Janna, sa pag-intindi niya.
"Yung biological mom niya [Yzabel]."
Bukambibig din ang pasalamat ni Mickey kay Iwa Moto, na dati niyang nakarelasyon, dahil sa suporta nito sa kanila ni Janna.
Itinuturing din ni Iwa si Yzabel na kanyang panganay dahil halos tatlong taon niya itong nakapiling noong sila pa ni Mickey.
Gayundin sa partner nitong si Pampi Lacson na sinamahan si Iwa sa pagdalaw sa lamay ni Yzabel.
Read: Iwa Moto on death of ex-partner Mickey Ablan’s daughter Yzabel: “My heart is in so much pain…"
YZABEL'S FUNERAL
Ngayong Huwebes, October 12, 2023, nakatakda ang libing sa mga labi ni Yzabel.
Pagbabahagi ni Janna, "Actually, nung time na yun, ang hirap pag-usapan yun, yung libing. 'Paano ba gagawin? Cremation ba? Or normal na libing?'
"Yung mga ganung decision-making."
Pero sa huli, napagdesiyunan nilang normal na libing dahil nais daw nilang may lugar na mapupuntahan tuwing may okasyon.
Sabi ni Janna, "Gusto kasi ni Mickey... Actually, si Ate Yza mahilig sa celebration, di ba?"
Pagsang-ayon ni Mickey, "Yes, tatayuan namin ng mauseleo... na puwedeng mag-celebrate dun."
