Idinaan ng Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis sa classy na paraan ang pagsagot sa isang basher.
Kakauwi lang ni Anne mula sa Paris Fashion Week nitong nakaraang October 7, 2023.
Read: Anne Curtis, Heart Evangelista cross paths at Loewe S/S 2024 fashion show in Paris
Sabik si Anne na makipagkulitan sa kanyang followers sa X, ang dating Twitter, kaya nagtanong siya kung gising pa ba ang mga ito gayong malapit na ang hatinggabi noong siya ay nakarating sa Pilipinas.
Tanong niya, “Are peeps still awake at this hour?”
Marami naman ang sumagot sa post ni Anne.



Pero tila may isang naligaw at binungangaan si Anne.
Ayon sa netizen, “MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO
“KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO”

Hindi ito pinalampas ni Anne. Pero, may class pa rin ang sagot ng It's Showtime host.
Ayon kay Anne, hindi niya kailangan ng surgeon dahil ipinanganak siyang “blessed with these lips.”
Buong buwelta ni Anne, “Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these lips or Bunganga as you say”

Burado na sa X ang nasabing mensahe ng netizen.
