Si McArthur Alejandre ang hinirang na best director sa Wallachia International Film Festival ng Romania noong Setyembre 2023 para sa Selina’s Gold.
Isa lamang ito sa mga parangal na natanggap ng kanyang pelikula na unang ipinalabas sa Vivamax noong Oktubre 24, 2022.
Hindi lamang ang Selina’s Gold ang proyekto ni Alejandre na kinikilala sa iba’t ibang international film festival, dahil humahakot din ng mga parangal ang Silip sa Apoy.
Read: Mac Alejandre wins Best Director at 4th Wallachia International Film Festival
Ito ay sa kabila ng opinyon ng iba na "walang katuturan na sexy movies" ang napapanood sa Vivamax.
Natuwa si Alejandre sa mga obserbasyon na hindi lamang pang-aliw ang mga pelikula na ginagawa niya sa Vivamax dahil award-winning ang mga ito.
"Ang Silip sa Apoy, which is one of the most viewed films on Vivamax, has competed in several festivals including the Barcelona International Film Festival, San Antonio International Film Festival in Ecuador.
"And the film has won for Vivamax and myself best picture and best director awards," lahad ni Alejandre.
"Selina’s Gold was my material since college and it was meant to be graphic. College pa lang ako, ang intensyon ko, graphic siya.
"It was all about dirty talk. It was all about power. It’s not about sex, it’s about toxic masculinity and it’s been featured in three international festivals.
"Three weeks ago, I won best director again."
Read: May-December-January premiere, natapos sa pamamagitan ng standing ovation
May sagot si Alejandre sa mga tao na "mababa ang tingin" at matindi ang paghuhusga sa mga pelikula at original series na napapanood sa streaming platform ng Viva.
"Exactly my point. Perception siya, hindi katotohanan.
"Maraming perceptions. There are reviews about Silip sa Apoy or Selina’s Gold that don’t even mention sex.
"Sa kanila [international film festival jury], normal yon. Bakit ganoon ang pananaw? Ano ang istorya?"
Sabi pa niya: "Hindi ito lecture, pero ito talaga ang feeling ko kasi gumagawa ako ng Vivamax.
"I don’t mind judgement. Lahat tayo, we are free to judge. Lahat tayo, we’re feel to comment.
"But when you make a judgement, it speaks more of yourself than the material you’re making a judgement of."
Hindi naman daw basta-basta lang ang paggawa ng isang pelikula.
"Ang Vivamax ay platform. Iba-iba ang mga direktor. Iba-iba ang mga nasa isip nila.
"I’m sure lahat ng mga direktor na gumagawa sa Vivamax, gusto nila na gumawa ng magandang pelikula na panonoorin.
"Nobody does a film and says, 'Gagawa tayo ng pangit na pelikula.'
"They’re always hoping to make a good film."
FILIPINO FILMS, THEN AND NOW
Mapalad si Alejandre dahil naabutan nito ang panahon na tatlong daan (300) sa loob ng isang taon ang bilang ng mga pelikula na ginagawa noon ng mga movie producer.
Ngayon, tanggap niya na malaki ang ipinagbago ng industriya ng pelikula, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
"Remember, ang movies noon ng Viva was already thirty plus. Ang Regal Films noon, three films a week, so they’re making close to a hundred.
"Plus all these Bonanza Films, Bukang-Liwayway, aabot ng three hundred films.
"Ngayon, ilan ang gumagawa ng pelikula? Viva makes more than 52. Tanggalin mo yung 52, ilan na lang ang gagawa ng pelikula?
"Sa akin, it’s not a matter of economics. It’s a matter of reality."
May teorya si Alejandre sa klase ng content ng pelikula na patok sa mga manonood.
"Three hundred films [noon]? Ilan doon ang laging pinupuri? Yung mga pinupuri noon na kini-criticize, yun ba yung mga kumikita?
"Maraming pelikula sa Vivamax ang pinupuri. Lahat ba yon pinanonood? Hindi rin.
"Yung intensyon ba ng mga producer noong ‘80s, ‘90s, 2000, nagbago ba sa intensyon ng mga producer ngayon? Pareho pa rin.
"So, ang mga mamamayagpag ngayon sa mga hindi pinupuri, yun din ang mga namamayagpag noon."
Diin ng director: "Lahat yan, bahagi ng isang cinema na nagaganap sa pangkasalukuyan dahil yan ang pangangailangan.
"Kung ano ang nakikita ninyo sa Vivamax ngayon, yan ang kasagutan sa mga problema na pinagdaraanan ng industriya."
Read: Kaputol, napiling kalahok sa 4th Innuendo International Film Festival sa Milan, Italy
his OBJECTIVE AS A DIRECTOR
Determinado si Alejandre na patuloy na makiambag sa pagsigla ng pelikulang Pilipino, lalo na't patuloy na malaking hamon ang makipagsabayan sa foreign films.
"Kaming mga filmmaker, ginagawa namin ang paraan na maging bahagi ng solusyon. Hindi kami gumagawa ng pelikula para maging bahagi ng problema.
"Ngayon, yung solusyon, does it directly solve na sinasabi nila na de-kalidad na hinahanap sa pelikula? Minsan, yes.
"Minsan ang solusyon na hinahanap ng mga direktor ay solusyon sa kabuhayan ng mga tao. May kinalaman ba yon sa paggawa ng pelikula? Wala!
"Pero bilang tao, dapat may kinalaman tayo. Siguro bilang artist, puwedeng wala."
Sa kaso ni Alejandre, giit niya, "Pero ako bilang artist, may obligasyon ako sa mga tao na tumulong sa akin na nagluklok kung nasaan man ako ngayon, lalo na’t katatapos lang ng pandemya.
"Obligasyon ko yon bilang tao. It doesn’t justify whatever judgement you have on the films.
"It’s easy to pass judgements. I will not speak for other directors. I can speak for myself."
Bilang director, alam daw niya kung paano i-handle ang artistic freedom niya at responsibilidad niya sa producer.
"Itong Viva, ang linaw ng target market ng Viva. Walang pretensions. Nung in-approach nila ako at sinabi na, ‘Can we offer you a contract?’ I agreed.
"Ang linaw ng intentions. Ano ngayon ang ginagawa ko? I recognize the parameters. I give them what the platform needs because that is my commitment.
"But Ricky Lee and I worked it out our way. Hindi nakikialam ang Viva. They give me complete artistic freedom."
Read: Gold Aceron at Kych Minemoto, nag-enjoy sa love scene nila sa May-December-January
ON VIVAMAX MOVIES
Diin pa ni Alejandre tungkol sa content ng Vivamax movies: "Am I saying that’s the best situation? Am I saying that this is what I need? No. What I am saying is whatever’s happening now is the answer to the struggle of the industry!
"Do we have any other answers? Do all these critics have answers? Do they have the solution?
"The solution is to keep on making films and that is what Viva is doing.
"Masama ba if the filmmakers do it for the sole purpose of earning money and giving the platform what it needs? No! Hindi siya masama. It’s a need!"