PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso

Naganap ang insidente sa Cotabato.
by KC Cordero
Published Oct 4, 2023
Patay sa pangangaso
Nagkahiwalay ang magkaibigan nang nasa masukal na bahagi na ng bundok, at napagkamalan ng kasama ang biktima na isang unggoy at binaril. (Photo courtesy of Joy Vlog Vlog)
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7 video

Nasawi ang isang lalaking nangangaso matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kaibigan.

Naganap ang insidente noong October 3, 2023 sa Brgy. Kitubod, Libungan, Cotabato.

Nakilala ang biktima na si William Rendoan Jr., 29, na naninirahan din sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ng GMA News, nagkayayaan ang magkaibigan na umakyat sa bundok para mang-hunting.

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

Naghiwalay ang dalawa pagdating sa lugar kung saan sila mangangaso.

Dahil masukal ang lugar, napagkamalan ng kaibigan na isang unggoy si William at binaril.

Hindi na naisugod pa ang biktima sa ospital dahil malayong parte ng bundok ang kanilang napuntahan.

Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

Sinabi naman ng kinakasama ng biktima na hindi niya pinayagan si William na mangaso, ngunit tumuloy pa rin ito.

Parehong miyembro ng tribung Arumanen Manobo ang magkaibigan. Dahil dito, ang kanilang mga tribal leaders na ang nag-ayos ng insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na binanggit sa mga ulat ang pagkakakilanlan sa kaibigan ni William.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkahiwalay ang magkaibigan nang nasa masukal na bahagi na ng bundok, at napagkamalan ng kasama ang biktima na isang unggoy at binaril. (Photo courtesy of Joy Vlog Vlog)
PHOTO/S: Screen Grab from GMA-7 video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results