PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino reveals name of fellow actress who scolded her before

Lorna Tolentino: "Kumare ko na siya at mahal na mahal din niya ako."
by Arniel C. Serato
Published Oct 3, 2023
Lorna Tolentino scolded by this actress during her early years
Actress Lorna Tolentino shares key to longevity in showbiz: "Yung staff, yung crew, yung mga artista, kailangan meron ka rin kahit papanong rapport sa kanila.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Bibihira na lamang ang mga artista noon na aktibo pa rin sa showbiz hanggang ngayon.

Ang aktres na si Lorna Tolentino, 61, ay mahigit limang dekada na sa showbiz. Nagsimula siya bilang child star noong dakada '70 hanggang sa mahubog siya bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lorna, inusisa namin kung ano ang sikreto niya sa tinatawag na longevity sa showbiz.

Saad ng award-winning actress, “Yung industriya naman mismo, yung lahat ng katrabaho mo, yun ang unang-una, e, maging maayos ka sa kanila. And then sa ano mo, sa kumpanya na pinagtrabahuan mo.

“Yung sa pag-aartista mo, yun na yun mismong habang nagtatrabaho ka—from yung staff, yung crew, yung mga artista, kailangan meron ka rin kahit papanong rapport sa kanila.”

Nagmamaldita ba ang isang Lorna Tolentino na tinagurian din noong "Grand Slam Queen"?

Natatawang sagot niya, “Parang ang tanda ko na para sa ganun. Parang yung noon puwede, nung bata pa ako. Nung bata pa ako, maldita talaga ako, sino ba naman hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dadaan ka naman talaga sa time na sobrang dami ng ginagawa mo na pelikula and then siyempre, kumbaga, minsan puyat ka. Ang daming ano, dahilan, para magmaldita.”

Wala raw siyang natarayang mga baguhan ngayon. Pero inamin ng aktres na natarayan siya ng isang mas senior star noong baguhan pa lamang siya sa industriya.

Kuwento niya, “Ako mismo, ako ang natarayan.

“Kumare ko na siya at mahal na mahal din niya ako—si Oro.”

Ang tinutukoy niyang “Oro” ay ang award-winning ding aktres na si Elizabeth Oropesa.

Pagpapatuloy niya, “Kasi naman tumalon kami nun sa 100 feet, tapos likod ko yung tumama. E, siya ang galing niya, diretso talagang ganun. Di naman ako tinuruan ng lola mo!

“So ngayon, hindi ako makabangon, e, may susunod na eksena nung gabi.

"Hapon kinunan yung talon, gabi, hindi ako makabangon, ang sakit ng likod ko.

"So talagang tiniis ko, tas galit na galit na siya, ‘Pagsabihan niyo yan, pag hindi yan [bumangon], uupakan ko yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Bababa na nga ako,' nakasimangot na ganun sa akin.”

Hindi na raw nila ito pinag-uusapan ngayon.

Sabi ni Lorna, "Ah, hindi, wala, nagmamahalan na kaming sobra-sobra, e.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Lorna Tolentino shares key to longevity in showbiz: "Yung staff, yung crew, yung mga artista, kailangan meron ka rin kahit papanong rapport sa kanila.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results