PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Susan Africa on funny memes about her: “I don’t take offense.”

Susan Africa: "Natutuwa ako na napatawa ko ang maraming tao.”
by Arniel C. Serato
Published Oct 2, 2023
Susan Africa reacts to funny memes about her
Veteran actress Susan Africa laughs at funny memes about her: "Kasi sanay na naman ako na pinagtatawanan, hindi naman pinagtatawanan, pero people who make fun of me, ginagawan pa ng mga memes but in a positive way. I don’t take offense.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Twitter / Twitter

Sobrang natawa raw ang beteranang aktres na si Susan Africa nang makita sa social media ang nakatatawang memes tungkol sa kanyang karakter sa FPJ’s Batang Quiapo.

“Donya” kasi ang karakter niya sa teleserye ni Coco Martin, malayung-malayo sa nakasanayan ng tao na “sakiting nanay” na role niya sa mga teleserye.

Read: Susan Africa trends online because of these funny memes

Sabi ni Susan sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa ABS-CBN Ball 2023 noong September 30, 2023, "Nakakatawa. I'm having fun watching the memes, reading their comments.

"And I'm happy na napatawa ko ang maraming tao."

Bakit kaya naglabasan ang memes tungkol sa kanya?

Sabi niya, "I'm quite surprised 'coz in the preview, lumabas ako, split seconds lang, and the reaction was so huge."

Naging curious daw siguro ang mga tao sa kanyang karakter dahil nasanay ang mga itong palagi siyang mahirap.

Aniya, "Kasi nasanay sila sa akin na mahirap and what will happen to me this time na naging donya na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiging picky na ba siya sa mga role na tatanggapin?

Tugon ni Susan, "Sa akin, whether mahirap o mayaman ang role, tanggap lang ako nang tanggap because I love my job."

Dagdag pa ni Susan sa panayam ng ABS-CBN News, “Natawa ako sobra, natawa ako.

“Kasi sanay na naman ako na pinagtatawanan, hindi naman pinagtatawanan, pero people who make fun of me, ginagawan pa ng mga memes but in a positive way. I don’t take offense.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit niya, hindi siya naiinis o napipikon dahil, “I have a funny sense of humor also. At natutuwa ako na napatawa ko ang maraming tao.”

Paliwanag pa ni Susan, marami naman daw siyang nagampanang karakter noon na mayaman siya.

Isa na nga rito ay nang gumanap siya bilang asawa ng mayor na karakter ng namayapang Eddie Garcia sa The Sisters ng TV5 taong 2011.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero baka lang daw ang tumatak sa mga tao ay ang mahirap na nanay role niya sa Mara Clara ng ABS-CBN noon.

Dagdag pa ni Susan, “Actually, marami naman akong ginampanan before na mayayaman na roles. Pero siguro nakalimutan naman nila na yun kasi siguro tumatak sa kanila yung role ko sa Mara Clara.

"Pero marami naman akong ginawa before na mayaman, donya."

Ano ba ang mas mahirap na role na gagampanan—isang donya o mahirap?

Para sa aktres, wala siyang pinipiling trabaho dahil mahal niya ang kanyang propesyon.

Aniya, "Pagdating sa trabaho, gusto ko pareho siyempre, pero in terms of preparations mas madali po ang mahirap kasi wala na akong kaayus-ayos, punta na sa set, tapos konting make-up lang, tapos go na.

"Pag mayaman po, maraming pong ayos, naka-heels ka, make-up, hair, medyo matagal nang kaunti.

"Pero mayaman o mahirap, I love my job. Kahit anong ibibigay sa akin, tatanggapin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Susan Africa laughs at funny memes about her: "Kasi sanay na naman ako na pinagtatawanan, hindi naman pinagtatawanan, pero people who make fun of me, ginagawan pa ng mga memes but in a positive way. I don’t take offense.”
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News on Twitter / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results