Matapos ang halos isang dekada, matatanggap na ng isang lotto bettor ang kanyang premyo na PHP12.391 milyon.
Noong October 2, 2014, tumaya si Antonio Failon Mendoza ng Calaca, Batangas para sa Lotto 6/42 draw sa pamamagitan ng lucky pick.
Isa sa kanyang tatlong kumbinasyon ang nanalo.
Ang problema, nalukot ng kanyang anak na babae ang ticket nang papunta na siya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para i-claim ang premyo.
Si Antonio ay dating Overseas Filipino worker.
Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman

Read: Meet Lola Maura Agripa: First EMBO centenarian na nakatanggap ng PHP100K gift
Aniya sa panayam sa kanya ng dzMM noong October 11, 2014, "Sinabihan ako ng bayaw ko na sensitive na daw ang PCSO, babasahin daw ng machine [yung ticket]."
Sa takot na hindi ma-claim ang premyo, pinalantsa ng kanyang anak ang lotto ticket.
Sa kasamaang palad, malaking bahagi nito ang nasunog kaya lalong hindi makita ang mga numero.
Read: Milk tea nag-viral dahil sa kakaibang plastic bag
Ayon sa PCSO, sinusunod ng ahensiya ang specific guidelines sa pagke-claim ng mga premyo ng winning lotto tickets.
Kabilang dito ang "no ticket, no payment" policy.
Kailangan ding ang ticket ay readable.
Paliwanag pa ng PCSO, naglatag ang ahensiya ng mahigpit na guidelines para ma-discourage ang mga fake claimants.
Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M

Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?
Kinumpirma naman ng lotto outlet kung saan tumaya si Antonio na sa naturang outlet tinayaan ang winning combination.
Inalam ni Antonio ang mga paraan para ma-claim ang kanyang premyo, at umabot ito sa Korte Suprema.
Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala
Ayon sa desisyon na ibinaba nitong March 13, 2023, “The PCSO rules itself reveals that the Lotto 6/42 does not contemplate a pre-determined winning ticket and so its presentation in a pristine state must not be the sole determinant for the payment of the prize.”
Inatasan din ng Korte Suprema ang PCSO na magbayad ng legal interest of six percent per annum mula sa petsa na isinapinal ang desisyon.
Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M
