Madamdamin ang naging mensahe ni Arnold Clavio sa namayapang beteranong broadcaster na si Mike Enriquez sa paggunita ng ika-72 kaarawan nitong Biyernes, September 29, 2023.
Pumanaw si Mike noong August 29, 2023, sa edad na 71.
Sa pamamagitan ng slide video sa Instagram, inihayag ni Arnold ang kanyang pangungulila sa itinuturing niyang ama-amahan.
Miss na miss na raw niya si Mike at hangad nitong mabuti na ang kalagayan ng dating 24 Oras news anchor kung saan man ito naroroon.
Mababasang caption ni Arnold (published as is), “Miss kita Ama… Ngayong puwede nang isigaw sa buong mundo na birthday mo!!!
“Musta ka ba sa itaas? Salamat sa patuloy na paggabay Ama. Kita na kayo ng daddy ko?”
Sina Arnold at Mike ay kilalang malapit na magkatrabaho at magkaibigan.
Read: Arnold Clavio, nag-alay ng tula para sa ama-amahan na si Mike Enriquez
Una silang nagkasama noon sa Saksi at dito ay nagtuluy-tuloy ang kanilang mabuting samahan.
Read: Arnold Clavio, Connie Sison, Karen Davila, fellow broadcasters pay tribute to late Mike Enriquez
Sa GMA Night tribute sa burol ni Mike noong September 1, ibinida ni Igan na isa siya sa mga katrabahong paborito ng beteranong broadcaster.
Dito ay ipinagmalaki rin niyang marami silang pagkakapareho ni Mike kaya sila nag-click na dalawa.
“Dumating sa punto na pakiramdam ko ay paborito niya akong anak. Ama nga ang tawag ko sa kanya.
“Tita Baby [asawa ni Mike], dumating talaga sa punto na gusto ko na magpa-DNA,” saad ni Igan.
Dagdag pa niya, malaki ang utang na loob at pasasalamat niya kay Mike dahil ito ang umalalay sa kanya noong nagsisimula pa lamang siyang newscaster.
READ MORE:
