Binigyang parangal ang actor-director na si David Chua sa Thailand noong September 25, 2023.
Personal na dumalo si David sa awarding ceremony na ginanap sa Baiyoke Sky Tower Hotel sa Bangkok, Thailand.
Binigyan siya ng parangal bilang director at content creator.
Saad ni David sa kanyang Instagram post, “What a great honor to have been chosen and recognized by a prestigious award-giving body in Thailand, one of the Asian region’s fast-rising entertainment hubs!
“Thank you to the organizers and jurors of the Thailand International Leadership Awards 2023 for being given Asia’s Man of Excellence in Entertainment Productions Award of the Year.”
Napagtanto na raw ngayon ni David ang mga hirap at pagsisikap niya ay matutumbasan pala ng isang parangal na sa hinagap ay hindi niya naisip noon.
Aniya, “Now I realize that all the challenges, hardships and struggles were all meant for a higher purpose—not solely for personal gain or acclaim, but for doing my humble share in uplifting the industry that I love so dearly and in being given the chance to work alongside talented and world-class artists.”
Personal din niyang pinasalamatan ang mga itinuturing niyang mentors na sina Isko Moreno, Phillip Salvador, at Korina Sanchez.
Aniya, “My sincerest thanks to my Dark Carnival Productions colleagues, to my mentors kuya Isko Moreno, Kuya Philip Salvador and to my ate Korina Sanchez-Roxas who gave me my first big break as a director, and to our many clients and partners who trusted my creative vision.
“May this inspire me to work even harder and reach for greater heights. Hopefully I get to wave our flag in other equally prestigious global awards as well in the near future. #GOODWILL #NET25 #BatangMaynila #LakingTondo”
Karangalan din niyang siya ang tumanggap ng award para kay Baron Geisler na ginawaran ng Asia’s Best Actor in a Lead Role.
Lahad niya, “It was also a great honor to represent Baron Geisler, who was feted the award for “Asia’s Best Actor in a Lead Role” for his critically-acclaimed performance in the movie, Doll House. This award should be a fitting reward for Baron who redeemed himself, not just as a first-rate actor, but also as a man of faith who emerged victorious in his own personal struggles.”
View this post on Instagram
Sa pamamagitan ng Viber messaging, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David ng pahayag tungkol sa award na natanggap niya.
Ano ang hamon na hatid nito sa kanya bilang director at content creator?
Sagot niya, "Naramdaman ko na mas inspirasyon siya sa akin na mas doblehin ko pa ang pagsisikap ng pagiging isang director at content creator dahil napapansin na tayo abroad dahil sa palabas na Good Will at sa Rated Korina.
"Mas lalo pa natin itong bibigyan ng pansin. Siyempre hindi lang naman ako mag-isa dito, kasama ko rin ang aking team na Dark Carnival Productions, so doble kayod pa kami para patuloy tayong mapansin hindi lang sa Pilipinas maging sa buong mundo."
Dagdag pa niya, "Of course, siyempre, lalo na ngayon kaya nagkaroon tayo ng inspirasyon, hindi lang doble ang kayod natin kundi triple o maging ten times pa lalo na ngayon na napapansin na tayo. Kaya masasabi kong magli-level up tayo lalo."
MENTORS; AFP RESERVIST
Sa kanyang Instagram post, bakit special mention niya sina Isko, Phillip, and Korina?
Read: Actor-director David Chua ipinagmamalaki ang pagiging laking-Tondo
Paliwanag ni David, "Vocal ako about Kuya Isko kasi simula pa po niya bilang mayor ng Manila at hanggang ngayon ay siya ang aking iniidolo, hindi lang sa pagiging public servant kundi sa pagiging isang ama.
"Kaya minsan nagkakaroon kami ng kaunting kuwentuhan, humihingi ako ng payo sa kanya tungkol sa buhay.
"At ganun din kay Kuya Ipe Salvador tuwing nagkakuwentuhan kami. Humihingi ako ng payo sa kanya tungkol sa buhay at tungkol sa ilang taon niya sa showbiz.
"At hanggang ngayon ay siya pa rin si Kuya Phillip Salvador na hindi lumalaki ang ulo.
"Kaya masasabi kong si Kuya Isko at si Kuya Phillip Salvador ang aking mga hinahangaan.
"At siyempre, si Ate Korina Sanchez na nagbigay sa akin ng opportunity na maging isang director ng show na Rated Korina. Kaya silang tatlo ang masasabi kong aking mga hinahangaan."
Masaya namang ibinalita ni David na gagraduate na siya bukas, September 30 bilang reservist ng Philippine Air Force.
Saad niya, "Sa September 30 ay gagraduate tayo sa AFP, PAF, meaning ng PAF ay Philippine Air Force reservist kaya magbibigay tayo ng mga medical mission, tutulong tayo sa mga nangangailangan.
"Hindi lang sa Tondo tayo tumutulong, ngayon ay buong Pilipinas na iikutin natin dahil kailangan natin na tumulong hindi lang sa pagprotekta ng bansa kundi sa mga medical mission, mga ganung tulong."
Samantala, may kaabang-abang naman daw na kabanata sa Good Will ng Net25 dahil may bagong magpapatibok sa karakter niya sa palabas.
