Tinawanan na lang ni Iya Villania ang kumakalat na espekulasyong nagdadalantao umano siya sa panglima nilang anak ng asawang si Drew Arellano.
Nagsimulang paghinalaan ng netizens na buntis si Iya nang mag-post siya ng dance cover ng Rihanna’s “If It’s Lovin’ That You Want” sa TikTok noong September 20, 2023, kasama ang floor director ng 24 Oras.
Sa video, makikita si Iya na nakasuot ng puting sleeveless top na may ruffles mula sa kanyang kanang balikat hanggang sa tiyan.
Read: Are Iya Villania, Drew Arellano hinting at having baby no. 5?
Dahil sa pleats ng ruffles sa kanyang bandang tiyan, nagbigay ito ng ilusyon na mayroon siyang baby bump.
@iyavillania29 Tiktokkin’ after live news with our floor director ???????? What’s for next week @amsupermcfordan ? original sound - Iya Villania-Arellano
Sa comments section ng TikTok post ni Iya ay agad na bumuhos ang congratulatory messages mula sa mga netizen.
Komento ng isa, "Congrats po Ms. Iya, another blessing sa family [red heart emojis]."
Saad ng isa, "Ma'am Iya...Feeling ko buntis ka po ulit waaaaaahhhhhh."
Dagdag pa ng isa, "Pregnant pala ulit kayo, congrats. Pang ilang baby na po yan?"
“Congrats po mukhang wala po byahe si Drew," hirit pa ng isa.
IYA: "I AM NOT."
Sa hiwalay na video nitong Huwebes, September 21, mariing itinanggi ni Iya ang hinala ng netizens habang ipinakikita ang komento ng mga ito ukol sa kanyang diumano'y pagbubuntis.
Natatawang sabi niya, "For the record, no, I am not.
"So, thank you for these comments guys, [but] no."
@iyavillania29 Grabe kayo… ???? FYI, I am not ???? #ThanksAh ? original sound - Iya Villania-Arellano
NETIZENS REACT
Hindi naman ito pinalampas ng kanyang fans.
Anila sa comments section, hindi sila masisisi dahil nasanay silang halos taun-taon ay nagdadalantao si Iya.
Hirit ng isang netizen, "May biyahe pa si Drew guys kalma."
Paliwanag ng isa, "Nasanay po kami ate Iya na every year buntis po kayo."
"Iba po kasi talaga kapag walang biyahe si sir Drew e," biro pa ng isa.
Dagdag pa ng isa, "Nasanay lang po Miss Iya! Sorry force of habit."
Read: Drew Arellano on being labeled "Ultimate Biyahero": "Nakakahiya lang."
Nireplayan naman ito ni Iya.
Aniya, "Oh em! You guys are so funny!!! [laughing in tears emoji]."
Sa panayam nina Drew at Iya sa Fast Talk With Boy Abunda noong June 29, 2023, ibinunyag ng mag-asawa ang plano nilang pagpapa-vasectomy para hindi na muling masundan ang bunso nilang si Astro.
Read: Drew Arellano hints at having vasectomy after four kids: "Okay na, we’re good."
February 2014 nang ikasal sina Iya at Drew.
Sa ngayon ay may apat na silang anak—sina Primo, 7, Leon, 5, Alana, 3, at Astro, 1.
Read: How Iya Villania manages to have four children without needing more yayas
