PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NAIA officer denies swallowing $300, claims it was chocolate

"Hindi naman normal na ganon kumain ng tsokolate."
by Bernie V. Franco
Published Sep 22, 2023
security personnel eating money
Office for Transportation Security (OTS) Administrator Mao Aplasca says the female screening officer submitted a supplemental affidavit denying what she stuffed in her mouth and swallowed is the stolen money.
PHOTO/S: Airport Police Department

Nanindigan ang isang NAIA female security screening officer na hindi pera ang kinain niya kundi chocolate.

Ito ang ibinahagi ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Mao Aplasca ukol sa tauhan nilang nasa gitna ng kontrobersiya ngayon.

Kaugnay ito ng female screening officer na nakuhanan ng CCTV na diumano’y isinubo at kinain ang perang ninakaw umano niya sa pasahero sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport noong September 8, 2023.

Read: NAIA screening officer caught stuffing $300 inside mouth

Noong araw na iyon, dumaan sa mandatory screening ang isang male Chinese passenger sa airport.

Ibinaba niya ang kanyang shoulder bag na tsinek naman ng female security officer.

Subalit nang damputin ng pasahero ang bag, napansin niyang bukas ang kanyang wallet at nawawala ang $300 o PHP17,000.

Nag-leak sa social media ang CCTV ng female screening officer na may isinusubo sa bibig, hirap na hirap lunukin ang bagay sa bibig na sinabayan pa ng pag-inom ng tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniimbestigahan ngayon ang screening officer na diumano’y isinubo at nilunok ang pera para hindi siya mahuli.

“Nag-submit siya [security officer] ng supplemental affidavit sa ating investigation team na parang may kinain lang siyang tsokolate," ulat ni Joseph Morong ng GMA Integrated News.

Sinabi ni Aplasca na pinagdududahan ito ng OTS investigation team.

Nangingiting sabi ng OTS administrator, “Hindi naman normal na ganon kumain ng tsokolate ano, na hirap na hirap, at itinutulak pa niya, tsaka di naman kailangan ng tubig.”

Sinampahan na ng OTS ang female personnel ng administrative case—grave misconduct—kasama ang supervisor nito, at isa pang kasamahan na nag-abot ng tubig sa babaeng screening personnel.

Bagamat hindi sila pinangalanan ng OTS, pinatawan na ang tatlo ng preventive suspension.

Isinailalim din sa imbestigasyon ang 14 nilang kasamahan kaugnay ng insidente.

Bukod pa rito, sinabi ni Aplasca na pinag-aaralan nila ang posibilidad na hainan ng criminal complaint—theft—ang mga tauhang mapatutunayang nagkasala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Aplasca, “nakakahiya, nakakagalit” ang paulit-ulit na ganitong eksena ng mga airport personnel.

Posible raw na malakas ang loob ng mga ito dahil iniisip nilang hindi magpo-prosper ang isasampang kaso dahil nakaalis na ang mga biniktimang pasahero.

Pero paniniyak ni Aplasca, pinag-aaralan na ng kanilang mga abogado kung ano ang maaari nilang gawin laban sa mga abusadong empleyado.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Office for Transportation Security (OTS) Administrator Mao Aplasca says the female screening officer submitted a supplemental affidavit denying what she stuffed in her mouth and swallowed is the stolen money.
PHOTO/S: Airport Police Department
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results