Naging mahirap para kay Albie Casiño ang magpaalam sa talent manager na si Leo Dominguez dahil halos sampung taon din ang kanilang pinagsamahan kaya pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.
Pero nagdesisyon si Albie na lumipat sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment, dahil sa ibang mga plano niya para sa kanyang acting career.
Sa pakikipag-usap niya sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Huwebes ng gabi, September 21, 2023, isiniwalat ni Albie ang mga dahilan ng pag-alis sa poder ng kanyang dating manager.
Read: Albie Casiño calls out Instagram user for indecent proposal: “You wanna eat me that bad man?”
Saad ng 30-year-old actor, “Pinakamahirap na decision sa career ko kasi ang tagal ko kay Tito Leo, nine years, almost ten.
“Parang family ko na si Tito Leo. Nag-usap nga sila ng mom ko. Parang sabi raw ni Tito Leo sa mom ko na hindi lang ako ang mami-miss niya, pati ang mom ko.
“It’s hard, pero naniniwala kasi ako sa kasabihan na 'You don’t grow in the comfort zone.'
"So, parang masyado na akong komportable na I wanted to shake it up naman, shake up a little bit.
"And Viva was able to give me something na hindi maibigay sa akin ni Tito Leo — the guaranteed contract.
“Parang it wasn’t really hard din to move with Viva because when I met with them, everyone, family company talaga sila.
“Like I said, Tito Leo was my family also, so yan ang hinahanap ko.
“Sa trabaho namin, in this type of arrangement, kailangan you have to be with someone who you see as family also because this is not the typical business arrangement.”
Read: Albie Casiño, hindi itinuturing na kapansanan ang pagkakaroon ng ADHD

SMOOTH TRANSITION
Iginiit ni Albie na maayos ang pag-uusap at paghihiwalay nila ng dating namamahala sa kanyang showbiz career.
“Maganda ang paghihiwalay namin ni Tito Leo, kinausap ko talaga siya nang masinsinan before ako umalis na matagal na matagal ko na pinag-isipan.
“Nakikita mo talaga, e, lahat ng friends ko na nasa Viva, hindi nababakante and hindi siya basta-bastang projects.
“It’s also a quality project, especially now na ang dami nang avenue na puwedeng gumawa ng content. Hindi ka na muubusan talaga."
Dagdag ni Albie: “I’m looking forward to doing projects na pagbibidahan ko, lead roles, edgy roles din.
“I’m excited to be with Viva kasi ang dami nilang avenues to do projects, you can do Viva One projects, Vivamax, and now, nag-e-expand sila with teleseryes.
"Siguro, I’m expecting stability."
ACTOR-WRITER
Isa pa raw goal ni Albie ay gumanap sa pelikulang siya ang nagsulat ng script.
Aniya, “Right now, make it a simple goal na makapag-act ako sa movie na isinulat ko.
“May ibang stories din ako, like may isa kaming pini-pitch sa Viva ni Direk Easy Ferrer. Concept ko yung movie pero siya ang nagsusulat ng screenplay.
“Before pandemic pa namin ipini-pitch sa mga tao and, coincidentally, na-pitch niya sa Viva before pa ako mag-sign ng contract.
“Hopefully, somewhere down the line, makagawa ako ng movie na I didn’t just act in pero may hand din ako sa production.
“I’d like to think na lahat naman ng artista, creative kasi creative din ang field.
“You’re creating a character bilang artista. Hindi lang kami umaarte kasi kung ganoon pinepeke mo lang.
"We‘re actually becoming a person so we’re creating the back story of the character. It’s a good way to channel your creativity in another space.
“If you look at a lot of actors, marami silang hindi lamang acting yung mark nila. There’s a lot of who paints, may ibang actors na nagsusulat, may musician, because it’s just in us, the creativity.”
THE TIME ALBIE REALIZED HIS LOVE FOR ACTING
Hindi ipinagkaila ni Albie na kailangan nito ng mga pambayad sa bills ang rason ng kanyang pagpasok noon sa showbiz, pero nagbago ang mga pananaw niya dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Albie, napagtanto niya ang pagmamahal sa kanyang propesyon nang maranasan niyang hindi makaarte sa matagal na panahon na epekto nga ng pandemya.
“Noong nagsimula akong umarte talaga, ang bano ko," pag-amin niya.
"I’m sure the people remember watching me in my first few projects… like, 'This guy doesn’t know what he’s doing.'
“Never pumasok sa utak ko na mag-aartista ako. I could barely speak Tagalog at that point, even if I grew up in the Philippines, medyo weird.
"Growing up, medyo athlete ako. Hindi ako into arts.
"Pero na-realize ko na talagang nae-enjoy ko yung trabaho ko when I went to a long period without working.
“Alam mo naman sa trabaho namin, maraming pros pero marami rin ang cons.
"When you’re doing something every day, lagi mong ginagawa, you tend to take things for granted talaga. Human nature lang yan especially when you do something for one year.
“Ginagawa ko lang ito because it pays the bill, pero eventually, nung nawala yung pagkakataon, when I lost the opportunity due to the pandemic, I realized, 'Wooh, nami-miss ko rin pala ang pag-arte.'
“Nami-miss ko na pumunta sa set. Nami-miss ko na makipagkuwentuhan sa mga tao. Nami-miss ko yung things na I took for granted.
"Like for example, isa na lang ang eksena mo pero matagal pang kukunan tapos makikipagkuwentuhan ka lang sa co-actors mo hanggang alas-tres ng umaga.
“Kinaiinisan mo habang nangyayari, 'Oh, man, kaninang 8 p.m. pa ako tapos pero last pung pa ako.’
“Pero dahil sa pandemic, it helped me appreciate what I’m doing now talaga.
“For example, last night, last pung, nagdyo-joke sa akin ang crew na ‘Last pung ka!’
“I told them, ‘I don’t care. I love my job. I’m happy to be here on the set.’"