Malapit na malapit na umanong matapos ang negosasyon sa pagitan ni Willie Revillame at sa pamunuan ng dalawang government TV stations na PTV-4 at IBC 13.
Ito ang pahayag ni Jose “Jimmy” Policarpio, Jr., IBC 13 president, sa budget hearing ng Presidential Communications Office (PCO) sa Senado nitong nakaraang September 18, 2023.
Read: Willie Revillame, may "exploratory talks" sa IBC13 at PTV-4
Ang PCO ang departamento ng gobyerno na sumasaklaw sa government stations, Philippine Information Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA), at iba pa.
Sa nasabing budget hearing, naitanong ni Senator JV Ejercito kay Policarpio kung kumusta na ang nabalitaan niyang negosasyon sa pagitan ni Willie at sa kanilang istasyon.
Bukod sa IBC 13, sabay ring ipalalabas ang Wowowin ni Willie sa PTV-4 kapag naplantsa na ang kanilang blocktime agreement.
Ang PTV-4 naman ay pinamumunuan ng general manager nitong si Ana Puod.
Read: Will Willie Revillame make TV comeback via government-owned PTV-4?
Tugon ni Policarpio, pinupursige nila ang negosasyon kay Willie dahil nais nilang ang IBC 13 at PTV-4 ay hindi lamang makilala bilang government stations.
Gusto rin daw nilang makapagbigay ng entertainment shows sa kanilang loyal viewers sa pamamagitan ng Wowowin.
Pahayag ni Policarpio, “We are presently in negotiation with Willie Revillame. Together with Miss Ana [Puod], we pursued this agreement with Willie Revillame because we would like to bring government station to the people, eliminate the idea of PTV4 and IBC-13 as government stations.
“So we bring in Willie Revillame, it will be more of a program that will cater to entertainment to the lowest of the lowest among the people.”
Kapag napalantsa na raw ang lahat, baka sa loob ng dalawa o tatlong linggo ay magpirmahan na sila ng kontrata.
Read: Erwin Tulfo confirms Willie Revillame-PTV 4 negotiations for 'Wowowin'
Nahihirapan lamang daw sila dahil wala silang mai-provide na studio kay Willie bilang co-production ang kanilang usapan.
Saad niya, “And we're now on the process of going through the contract and hopefully we shall be able to finish this in two weeks or three weeks.
“Medyo mahirap po kasi it’s going to be co-prod. Wala ho kaming studio, wala hong studio ang Channel 4.
"Mahirap pong mag-produce ang walang studio, wala ho talagang magagamit for that purpose.”
Sa naunang panayam kay Ana Puod, sinabi niyang posibleng ang 5:00-6:30 p.m. timeslot ang maibibigay nila kay Willie dahil ayaw raw ng TV host ng noontime show.
Read: 'Wowowin' ni Willie Revillame, malapit nang mapanood sa PTV-4 at IBC 13
