PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iwa Moto Responds to Jodi Sta. Maria Comparison

Iwa Moto: "Papatol ako today lang. Bored ako eh."
by Rachelle Siazon
Published Sep 20, 2023
Iwa Moto and Jodi Sta. Maria
Iwa Moto, 35, maintains there is no competition between her and good friend Jodi Sta. Maria, 41.

Hindi nagpatinag si Iwa Motto sa netizen na ikinukumpara siya kay Jodi Sta. Maria.

Si Iwa ang current partner ni Pampi Lacson, habang si Jodi ay estranged wife ni Pampi.

Sa kanyang TikTok account, nakatanggap si Iwa ng komento mula sa isang netizen na nagsabing (published as is) "mas maganda pa din c Judi Sta. Maria."

Direkta niyang sinagot ang netizen sa pamamagitan ng TikTok video.

Napahalakhak na sabi ni Iwa, "Number one, walang competition. Number two, wrong spelling ka te!"

Mali kasi ang spelling ng netizen sa pangalan ni Jodi.

Dagdag ni Iwa sa kanyang caption, "papatol ako today lang. bored ako eh."

@iam_iwa Replying to @bombastic 2023 ? original sound - Iwa Moto

IWA MOTO AND JODI STA. MARIA'S BLENDED FAMILY

Masalimuot ang hiwalayan nina Pampi at Jodi na limang taong nagsama bilang mag-asawa.

May anak sila, si Thirdy, na ngayon ay 17 taong gulang.

Matagal nang maayos ang co-parenting relationship nina Pampi at Jodi.

Maganda rin ang relasyon ni Jodi kay Iwa, at nagba-bonding pa sila kasama ang kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jodi Sta. Maria, Iwa Moto delight fans with adorable photos of their "blended family"

Parang sariling anak naman ang turing ni Iwa kay Thirdy.

Noong August 2023, naiulat ang Instagram post ni Iwa tungkol sa maliksing pag-akyat ng bakod ni Thirdy sa bahay nina Pampi at Iwa dahil wala itong susi ng bahay.

Natawang sinabi ni Iwa sa caption na magpapa-duplicate na siya ng house key para ibigay kay Thirdy.

Read: Iwa Moto promises Thirdy Lacson a duplicate of house key following gate-jumping CCTV footage

Sina Pampi at Iwa ay may dalawang anak, sina Mimi, 9, at Caleb, 2.

Maganda rin ang relasyon ni Jodi sa anak ng couple.

Read: Jodi Sta. Maria spends weekend with Pampi Lacson and Iwa Motto's daughter

Nang magtapos ng high school si Pampi noong Mayo ay magkakasamang nagdiwang sina Jodi, Iwa, Pampi, Caleb, at Mimi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iwa Moto, 35, maintains there is no competition between her and good friend Jodi Sta. Maria, 41.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results