Malaki ang pagpapahalaga ni Dennis Trillo sa kanyang personal na buhay, pero sa bihirang pagkakataon, ibinahagi niya sa publiko ang kuwento ng pagmamahalan nila ng asawang si Jennylyn Mercado.
Nagkuwento si Dennis sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Setyembre 15, 2023.
Read: DenJen love story: from first breakup and reconciliation to the wedding
“First time na naging kami sa pangalawang soap sa GMA," pagtukoy ng Kapuso actor sa afternoon drama series na Gumapang Ka sa Lusak (2010).
"Siguro, tumagal lang yon ng isang taon. Nagkahiwalay din po kami.
“And after ilang years, nag-reach out kami sa isa’t isa. Tamang-tama naman pareho kaming walang partners. Single kami pareho.
“Siguro na-miss namin yung isa’t isa katulad ng kuwento ng Love Before Sunrise. Ito yung second chances na sinasabi ko.
"Nangyayari talaga yon sa totoong buhay, and kapag nangyari yon, parang mas maganda. Pareho na kaming matured, pareho nang established at handa."
Ang Love Before Sunrise ay ang upcoming primetime series na pagbibidahan nina Dennis at Bea Alonzo. Ipalalabas ito sa GMA-7 at Viu.
Humantong sa civil wedding ceremony ang pagmamahalan nina Dennis at Jennylyn noong November 15, 2021. Mayroon na silang isang anak.
Read: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado are now married
Tinanong ni Boy ang ugat ng paghihiwalay nila bago sila nagkabalikan.
Sagot ni Dennis, “Siguro mas bata pa kami pareho. Immature yung mga pag-iisip.
"Yung mga sitwasyon namin noon ay hindi rin gaano ka-clear pa yung mga gusto naming mangyari, kaya po ganoon, pareho kaming naghiwalay sandali.
"Ang ending, nagkabalikan kami."
Paano nila nalamang they were meant for each other? At magpapakasal na?
Ayon kay Dennis, “Early on pa lang, before pa nangyari yung mga proposal, noon pa lang, tawagan na namin sa isa’t isa, asawa.
"So, alam na namin na doon na talaga papunta. Kailangan lang maghanap ng perfect timing para mangyari na lahat."
THE IMPORTANCE OF TRUST
Makaaasa raw si Jennylyn na matapat na asawa si Dennis dahil sa ugali ng aktor na hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kanya ng isang tao kaya lumalayo siya sa tukso.
Saad ng Kapuso actor, “Ako po kasi, maingat ako sa tiwala ng tao.
"Ayokong isipin na may mangyayaring ganoon sa relasyon naming dalawa kaya kailangan ko rin siguraduhin na palaging masaya yung asawa ko.
“Kahit na may mga anak na kami, gusto ko maging maligaya pa rin siya.
“Siyempre, mga tao rin tayo, pero ang importante, as long as may respeto ka sa partner mo, hindi mo hahayaan na maging masama ang pangalan mo.
“Mahirap magkalamat yung tiwala, lalo na matagal mo siyang pinag-ingatan.
"Iniisip ko pa lang yon, hindi ko na iniisip na magloko. Ako na mismo yung lumalayo.”
Inamin ni Dennis na siya ang mas seloso noon, pero nag-mature na siya't mas pinahahalagahan niya raw ngayon ang tiwala.
Walang relasyong perpekto, at tulad ng mga ordinaryong taong nagmamahalan, nagkakaroon din sina Dennis at Jennylyn ng mga hindi pagkakaunawaan. Pero pinag-uusapan daw nila ang mga problema.
Ani Dennis, “Hindi mo maiiwasan na hindi magtalo, e. Pero ang importante sa amin, ang maganda sa aming dalawa, kapag meron kaming pinagtalunan, hindi puwedeng hindi pag-uusapan.
“Hindi puwedeng palampasin yon dahil, once na ginawa mo yon, maiiwan at maiiwan yung problema. Mahirap na kapag sumabog ka.”
KILIG MOMENTS
Napangiti naman si Dennis nang mapag-usapan ang pagpapakilig na kanyang ginagawa kay Jennylyn.
Kuwento niya, “Minamasahe ko siya. Mahilig yun magpamasahe, lalo na sa likod niya kapag matutulog na.
“Hindi yon makakatulog… hirap siyang matulog, pero kapag hinimas ko na yung likod niya…"
Sa kabilang banda, sabi ni Dennis tungkol kay Jennlyn, “Siya, mas grabeng mag-alaga. Kumbaga, hindi ko maikukumpara yung pag-aalaga niya sa akin. The best sa pag-aalaga.
“Sisiguraduhin niya na safe ka. Sisiguraduhin niya na maayos ka. Kumpleto lahat ng gamit mo.
"Siya pa yung nag-aayos ng mga gamit ko kadalasan kapag may taping ako.”
Masayang-masaya raw ngayon si Dennis at wala nang mahihiling pa.
“Sobrang saya dahil wala na akong mahihiling pa. Parang lahat ipinagkakaloob sa akin—maayos na pamilya, career, peace of mind.
"Yun ang pinakaimportante. Hindi mabubuo ang kaligayahan mo kung wala kang peace of mind.”
Nang mapag-usapan ang kanilang propesyon bilang mga artista, hindi matukoy ni Dennis ang pagkakaiba nila ni Jennylyn. Pero puring-puri niya ang dedikasyon sa trabaho ng asawa.
“Kung meron man, hindi ko masabi kung ano ang ipinagkaiba namin. Pero hanga rin ako sa dedication niya, sa commitment niya.
“Bilib ako dahil napagsasabay niya yung pag-aalaga. Pagiging hands-on at the same time, focused sa kanyang mga project.”