Dinepensahan ng dating aktres na si Neri Naig ang P1K weekly meal plan na ibinahagi niya sa kanyang Facebook followers noong September 10, 2023.
Mababasa rito ang mga pagkaing puwede raw lutuin ng mga ina para sa kanilang pamilya, lalo na sa mga nag-aaral nilang anak.
Makikita sa nasabing menu ni Neri ang mga pagkaing maaaring ihanda para sa agahan, tanghalian, hanggang hapunan na tirang mga ulam sa umaga at tanghalian.

At ang nakakatuwa dito, ayon sa kanya, isang libong piso lamang ang gagastusin ng mga “wais na misis” sa kanyang weekly meal plan.
Buong caption ni neri sa kanyang post, “Eto na ang Neri’s (sample) Weekly Meal Plan.
“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list.
“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata.”

Read: Neri Naig’s PHP1K weekly meal plan draws mixed reactions from netizens
NETIZENS CRITICIZE NERI’S MEAL PLAN
Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ng karamihan ng netizens sa meal plan ni Neri.
Unrealistic daw kasi ito lalo na ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.
May nagsabi pa ngang “palengke reveal” dahil nais nilang doon mamili dahil tila mura raw ang mga bilihin sa palengkeng pinupuntahan ni Neri.
“Palengke reveal naman diyan!!! Yung kasya 1k, 1 week with sukli pa ah,” hamon ng isang netizen.
Paglilinaw ni Neri, hindi niya nasabi sa kanyang post na ang ibang gulay, katulad ng sayote at iba pang prutas, ay galing sa kanilang garden.
Pati na ang mga itlog ay galing sa kanilang poultry.
Mahilig daw kasi siyang magtanim kaya iniengganyo niya ang lahat na matuto ring magtanim.
Saad niya, “P.S. kayo talaga, kayo na nga binigyan ng “sample” at idea ng meal plan, yung mga di followers, makapag-bash lang.
“Sa mga followers ko na alam na palagi kong sinsabi na MATUTONG MAGTANIM SA BAKURAN O SA PASO PARA MAKATIPID SA INGREDIENTS.
“AT KUNG KAYA PANG MAG-ALAGA NG MGA MANOK PARA LAGING MAY FRESH EGGS SA BAHAY. MALAKING TIPID PO YUN.
“DUN NYO KUNIN ANG INGREDIENTS. DEPENDE RIN PO KUNG GAANO KAYO KARAMI. MAIIBA SIYEMPRE ANG BUDGET NYO.
“KUNG 1-3 KATAO PER HOUSE AT KATAMTAMAN LANG ANG KAIN, KAYA YAN.
“KAILANGAN TALAGA MAY EXPLANATION AT DISCLAIMER AFTER (laughing emoji).
“MARAMING PARAAN PARA MAKATIPID, UMPISAHAN NA PARA MAGING WAIS SA BUHAY. MASAYA YUN (heart emoji)”

Dagdag pa ni Neri, “Sorry di ko nalagay sa post na to na kunin ang mga sayote and other gulay sa bakuran, sa ibang posts ko po kase nalalagay ko minsan.
“Madaling araw na po kase nung napost ko to. Anyway, pasensya na po.
“Next time ilagay ko po lahat ng details at how much. Kase sa amin po madalas free po yung mga eggs. Tapos yung vegetables and fruits namin kase mahilig po akong magtanim. Again, pasensya na po.”

NERI DEFENDS POST BUT THEN DELETES IT
Ilang araw ang nakararaan, may mga ilang komentong sinagot si Neri.
Sabi ng isang netizen, “Rich people making a content about the situation of the poor.”

Tugon ng Star Circle Quest alumna, "Siguro sa inyo di mo kaya ang 1k per week baka 1k per hour or less sa situation mo, pero maraming Pinoy ang kaya yan.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko at alam ko maging madiskarte. Paano?
“Matutong magtanim sa bakuran, mag alaga ng mga hayop na pwedeng pagkuhanan ng pagkain.
"Nagawa ko na yan dati nung bata ako, nagagawa ko pa rin hanggang ngayon na magtipid kahit na may extra na ako.
“Di ko alam if you are following me before pa or napadaan ka lang just to comment.
“Malamang the latter kase palagi kong sinasabi sa mga followers ko kung gaano kalaki katipid kung magtatanim at maging madiskarte.
“Pwede ko rins abihin sa comment mo na, younger generations talaga trying to look cool with their comment without even knowing everything. You’ll just comment, right?”

Hindi na ngayon mahanap ang weekly meal plan post ni Neri sa Facebook.

