PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neighbor Busted During Live Selling Event

Mahigit PHP100,000 ang halaga ng natangay
by Chan-Chan Torres
Published Sep 14, 2023
online live selling
Kuha sa live selling video ang pangho-holdap sa online seller na si Agnes Serafica.
PHOTO/S: A&A Clothing Apparel

Nagimbal ang netizens sa viral video ng online live selling ni Agnes Serafica, isang online seller ng bags, noong September 5, 2023.

Nakakagulat dahil trenta minutos pa lamang na nasa ere ang kanyang live selling ng items, biglang may nagsalita at nagpatigil sa ginagawa ni Agnes.

Kitang-kita sa mukha ng ginang ang pagka-alarma.

Pinasok kasi ang kanilang inuupahang bahay ng isang naka-helmet na lalaki at nagdeklara ito ng holdap.

Kasama ni Agnes ang asawa’t anak sa online selling, pero hindi sila nakikita sa video.

Itinaob ang naka-on na camera, pero rinig na rinig ang sinabi ng nagsasalitang lalaki, “Dapa kayo! Dapa! Hubarin niyo ang mga alahas ninyo!”

Read: Painting na nabili for PHP220; may nakaipit sa frame na historical document worth PHP134M

ONLINE LIVE SELLING HOLDAPAN

Bago mag-off cam, nakunan pa ang pangha-harass ng holdaper sa mga biktima.

Nakasuot ito ng itim na helmet, nakatakip ang mukha at mata lang ang nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ipahubad ang mga alahas, nagbanta pa ito, “Pumasok ka doon, puputukan kita, bilis!”

“Teka lang po, kuya…” ito na lang ang nasambit ni Agnes na talagang kabado ang boses.

Ulat ng News5, dalawang minuto ang itinagal ng panghu-holdap at ng kasama niyang lookout. Humarurot sila paalis sakay ng motor.

Pati ang cellphone na ginagamit ng pamilya sa live selling, tinangay din.

Mahigit PHP100,000 ang halaga ng mga nakuhang mga gamit ng mga suspek mula kina Agnes.

Sa isang iglap, apektado ang pangkabuhayan nilang pamilya dahil sa nangyari.

Hinold din muna ang mga orders nang ilang araw dahil sa aberya.

Read: 78 anyos na lalaki, nag-propose sa kanyang crush matapos ang 60 years

MGA HOLDAPER, SUMUKO NA

Noong Linggo, September 10, sumuko ang dalawang suspek sa pulisya.

Napag-alamang isa sa kanila ay kapitbahay pala ni Agnes.

Ayon sa imbestigasyon, kaya naisip ng suspek na pagnakawan ang biktima ay dahil sa pakikipag-usap nito sa ama ni Agnes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, yun pong tatay ng biktima ay nagkukuwento rito sa kapitbahay, na ang anak niya’y maraming pera…" ulat ng News5.

“Na may PHP3 milyon sa kuwarto niya. Nakatago.

“So yun po ang nakapag-encourage, nakapag-motivate po sa mga suspek natin,” sabi ni P/Lt. Col. Dwight F. Fonte Jr., Acting Chief of Police ng Sta. Rosa City Police Station.

Sa mga gamit na natangay ng mga suspek, isang bracelet at tatlong singsing lang ang na-recover.

Paalala muli ng kapulisan, “Wag po tayong masyadong magkuwento ng mga nakaka-engganyo sa may mga criminal mind.

“Kapag nakukuwento po natin kasi na marami tayong pera, baka pagplanuhan tayo kasi,” huling pahayag pa ni P/Lt. Fonte.

Sa ngayon, nakapiit na ang dalawa sa kasong robbery.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha sa live selling video ang pangho-holdap sa online seller na si Agnes Serafica.
PHOTO/S: A&A Clothing Apparel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results