Makahulugan para kay Tarah Limjap ang kanyang pagkapanalo bilang Binibining Heneral Santos 2023.
Bilang “woman of color,” itinatayo niya ang bandera ng mga taong dumanas ng diskriminasyon dahil sa kulay ng kanilang balat.
Sa murang edad, biktima na ng pambu-bully si Tarah na naranasang pagtawanan, kutyain, at tawaging “maitim na pusa.”
Itinanghal si Tarah bilang Binibining Heneral Santos 2023 sa grand coronation ng Ginoo at Binibining Heneral Santos 2023 na ginanap sa SM City General Santos, noong September 10.
Si Miss Universe 2021 Top 5 finalist Bea Luigi Gomez ang host ng pageant.
Read: Bata, nakakita ng rare 2.95-carat diamond habang namamasyal sa parke

Tarah (center) together with the other winners and runners-up of Ginoo and Binibining Heneral Santos 2023 pageant.
EXPERIENCING EVERYDAY BULLYING
Ibinahagi ni Tarah ang kanyang life story sa isang Facebook post nitong September 12, 2023. Nakasaad ito sa wikang Bisaya at Ingles.
Gusto raw niyang ibahagi ang kanyang kuwento sa lahat, marahil para magsilbing inspirasyon.
Kalakip ng post ni Tarah ang kanyang throwback photo at larawan matapos manalo sa beauty pageant.
Bungad ng kanyang post, “I grew up sa community na walang araw na hindi ako nabu-bully.”
Tampulan daw siya ng masasakit na biro kahit sa eskuwelahan.
Lahad niya, “There was a time na while nagpe-perform ako sa stage, may sumigaw ng ‘maitim na pusa,’ tapos tinawanan ako ng mga tao.
“There was also a time in elementary na nawalan ako ng gana mag-aral kasi tuwing magsisimula ang exercise during flag-raising ceremony, may mga nagcha-chant na students ng ‘Tarah Tarah Lalagom’ [Tarah Tarah Maitim] kasi katunog ‘yon ng kanta.”
Malalim ang sugat na iniwan nito kay Tarah na naapektuhan ang kumpiyansa sa sarili.
Inamin din ni Tarah na nais niyang kalimutan ang madilim na bahaging ito ng kanyang buhay.
Sabi niya, “I could still remember the names of those individuals who caused my trauma.
“That's why, until now, it is still hard for me to reconnect with those people who made my childhood something that I am trying to forget.”
Pinapayuhan daw siyang pasalamatan ang mga taong nakasakit sa kanya dahil ang mga ito ang nag-udyok sa kanya para lalong mahalin ang sarili.
Pero sabi ni Tarah, “[B]ut NO. I will never be thankful for that because I know that what they did was wrong, and NOBODY deserves to be treated that way.”
Ang gusto raw niyang pasalamatan ay ang mga taong minahal at tinanggap siya anuman ang kanyang mga katangian.
Mensahe ni Tarah sa mga katulad niyang nakaranas ng pang-aalipusta: “[K]now that there's always someone who hopes for you.”
“Someone who believes in you and you can consider me as that someone.
“Always remind yourself that you are beautiful— no matter who you are, no matter where you are, and no matter what you look like.
“May this post be a reminder to everyone to always show kindness because we have no idea what other people are experiencing.”
Pagtatapos niya, “A huge thank you to Ginoo at Binibining Heneral Santos organizing team and to all the judges for having me, a WOMAN OF COLOR, as your Binibining Heneral Santos 2023.”
