PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang blocks daughter's old IG account

"Sayang kasi naka-tengga lang yung account ng bata ayaw nya ipagamit samin.”
by Arniel C. Serato
Published Sep 13, 2023
Pokwang creates new Instagram account of daughter after father refuses to give her the original account's password
Comedienne Pokwang creates new Instagram account for daughter Malia after blocking her old account: "Wala po sakin ang control ng account na yan and ayaw naman i-surrender sakin ng tatay niya, so useless.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Halos dalawang taon matapos nilang maghiwalay, hindi pa rin naibibigay kay Pokwang ng ex-partner nitong si Lee O’Brian ang password ng dating Instagram account ng anak nilang si Malia O’Brian.

Kagabi, September 12, 2023, nagdesisyon si Pokwang na i-block na niya sa kanyang following ang Instagram account ni Malia na ginawa ni Lee noong bata pa ito.

Gumawa na rin ng bagong Instagram account ang Kapuso comedienne-host para sa anak.

Anunsiyo ni Pokwang sa Instagram, “Hi everyone, I might block @malia_obrian IG accnt soon, wala po sakin ang control ng accnt nayan and ayaw naman i-surrender sakin ng tatay niya, so useless.”

Caption niya, “Dahil ayaw naman nya i-surrender samin ang IG ng anak nya so soon i-block ko na po this IG ni @malia_obrian, masakit pero sayang kasi naka tengga lang yung accnt ng bata ayaw nya ipagamit samin.”

NETIZENS REACT, POKWANG REPLIES

Payo sa kanya ng isang netizen, “gawin mo po kung ano ang alam mo na maayos para po sa anak mo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng komedyana, “kaya nga pinapa deport ko dahil yon ang tama para sa anak namin! nandito nga sya pero di nya dinadalaw at kinukumusta ang bata!”

Pokwang, daughter Malia O'Brian Instagram account

Sermon naman ng isa, “if your making it too difficult for him to reach out to his daughter so what do you expect ! Leak your wounds and move on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Pokwang, “hoy ate wag kang pala desisyon wala kang alam gagang to! sya ang ayaw na kami makita tanga!”

Dagdag pa ng TikToclock host, "cancer survivor ka wag kang ganyan baka bumalik yan sa ugali mong pakialamera sa feelings ng iba! magdasal ka at magpasalamat ka sa 2nd life mo hindi yung nag MAMARITES KAPA GAGA!”

Pokwang, daughter Malia O'Brian Instagram account

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ng isang netizen, baka kailangang mag-usap ulit nina Pokwang at Lee para sa kapakanan ng anak nila.

Aniya, “Para po saken siguro mas need nyo po ulit maupo at mag usap para Sa Anak nyo Kase nakakasad naman Sa Anak nyo Kung Hindi nyana makikita tatay nya. SiGe po wish ko parin na magkaayos kayo para Sa Anak nalang po madam. God bless pakatatag po palagi madam.”

Komento ni Pokwang, “sya ang di dumadalaw sa anak nya buhay binata sya at iyon ang gusto nya.”

Pokwang, daughter Malia O'Brian Instagram account

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG CREATES NEW IG FOR DAUGHTER

Ngayong Miyerkules, September 13, 2023, nakagawa na si Pokwang ng bagong Instagram account ni Malia.

Masayang anunsiyo niya, "Hi guys this is it!!! Please follow Malia’s new IG account @malia_tisayngmasa18 and please paki unfollow ang old one na @malia_obrian block or better paki mass report kesa pakinabangan ng iba na walang silbi hahaahahaa salamat po….”

Inaantabayan naman ng publiko ngayon ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa inihain ni Pokwang na deportation complaint at cancellation of visa laban kay Lee noong June 13, 2023.

Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian

Umaasa naman si Lee na maging patas ang BI sa pagdinig ng reklamo ni Pokwang.

Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Pokwang creates new Instagram account for daughter Malia after blocking her old account: "Wala po sakin ang control ng account na yan and ayaw naman i-surrender sakin ng tatay niya, so useless.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results